Balik-tanaw: Ang ‘sayawan sa barangay’ na hindi pinalalampas noon ng mga kabataan

Image via Batang Pinoy - Ngayon at Noon. | Facebook
  • Bago pa nauso ang iba’t ibang klase ng modernong gimik, una munang naging masaya ang maraming kabataan sa pagpunta sa mga “sayawan sa barangay”
  • Hindi lamang sa sarili nilang barangay pumupunta noon ang mga kabataang ito, kundi dinarayo rin nila ang mga sayawan sa karatig-pook na bukas din para sa mga taga ibang lugar
  • Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, ibinahagi ng social media users ang mga masasayang alaala nila habang ine-enjoy ang “dance floor”

Pumupunta ka rin ba noon sa mga “sayawan sa barangay”?

Image capture from Facebook

Bago pa nauso ang iba’t ibang klase ng modernong gimik, una munang naging masaya ang maraming kabataan sa pagpunta sa mga “sayawan sa barangay”. Hindi lamang sa sarili nilang barangay pumupunta noon ang mga kabataang ito, kundi dinarayo rin nila ang mga sayawan sa karatig-pook na bukas din para sa mga taga ibang lugar.

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, ibinahagi ng social media users ang mga masasayang alaala nila habang ine-enjoy ang “dance floor”.

“Haha na-miss ko ito. Dayo pa sa isla para makasayaw lang,” kumento ng Facebook user na si Yassi Vidal.

“Panahong may Kabataang Barangay (SK nowadays). Super active ang kabataan noon kada may fiesta at pasayaw sa barangay! At ‘pag may nagsayaw sa ‘yong pogi, kilig to the bones,” pagbabalik-tanaw ni MaryJane M. Dela Cruz.

“Bayle tawag niyan sa amin. Tumatakas pa ako niyan. Ang damit, dinadaan sa bintana. May sumasalo minsan. ‘Pag sunod-sunod ang sayawan, napapalitan na kami ng damit na magkakabarkada kasi bihira kaming makabili ng damit. Minsan, kapag may nagkagusto na sa ‘yo sa sayawan, wala nang ibang makakapartner, iyon na lang hanggang sa pag-uwi ihahatid ka pa,” kuwento ni Milagros Rosero.

Image capture from Facebook

Ikaw, nakiindak ka rin ba sa mga “sayawan sa barangay”? Ano ang pinakahindi mo makalilimutang alaala mula rito?