Balik-tanaw: Ang old school pandikit na ginagamit mo noong nasa elementarya ka

Images via Batang Pinoy - Ngayon at Noon. and Memories of Old Manila | Facebook
  • Bago nauso ang paggamit ng makukulay o mababangong glue, una munang nakatulong sa elementary students ang old school na paste na nakalagay sa iba-ibang kulay na sisidlan
  • Mura lamang ang pandikit na ito ngunit epektibo naman daw na gamitin sa mga proyekto, huwag lamang magkakataong may kasama itong “buo-buo” dahil masisira ang texture ng papel
  • Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, bumalik sa nakaraan ang marami nang muling makita ang larawan ng old school na pandikit

Nakagamit ka rin ba noon ng old school na paste na nakalagay sa makukulay na sisidlan?

Image capture from Facebook

Bago pa nauso ang paggamit ng makukulay, mababango, at maging iyong sumikat na may glitters na glue, una munang napakinabangan ng maraming elementary students ang old school na paste.

Wala namang espesyal sa pandikit na ito. Nakalagay man sa iba-ibang kulay na sisidlan, walang pinag-iba ang laman; mamimili ka lang talaga ng paborito mong kulay–kung gusto mo. Ngunit sa kabila ng pagiging simple at mura lamang ang pandikit na ito ngunit epektibo naman daw na gamitin sa mga proyekto, huwag lamang magkakataong may kasama itong “buo-buo” dahil masisira ang texture ng papel na ididikit mo.

Pero higit pa sa lahat ng gamit nito, ang pinakamahalaga sa ngayon sa mga mga minsang gumamit nito ay ang ginagawa nitong pagpapaalala sa kanila sa panahong simple lang ang lahat. Sa post ng page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon., bumalik sa nakaraan ang marami matapos muling makita ang larawan ng old school na pandikit.

“‘Di pa uso ang glue noon,” pag-aalaala ni Marissa Barreno Panganiban . “Kapag may pambili, ganiyan ang ginagamit. Kapag wala ay kanin o kaya magluluto ng gawgaw.”

“‘Yong halagang P3 lamang e may pandikit ka na,” kumento ni Ghernin Rvls Alfs.

Image capture from Facebook

Pag-aalaala naman ni Michael Laquiores, “Elementary up to high School. Pagdating ng college Elmer’s glue na. Sosyal na nang kaunti.”

Ikaw, ano ang naaalala mo sa mga old school na paste na ito?