
- Kabi-kabilang pelikula at patalastas ang nagawa ng tinaguriang “Child Wonder of the Philippines” na si Niño Muhlach noong siya ay musmos pa lamang
- Isa sa mga produktong inendorso siya ay ang softdrinks na Sarsi
- Sa post ng Batang Pinoy – Ngayon at Noon, binalikan ng marami sa social media ang mga gunitang ipinaalala sa kanila ng lumang endorsement ni Niño, na noon ay musmos pa lamang
Natatandaan mo pa ba ang mga unang paglabas ng tinaguriang “Child Wonder of the Philippines” na si Niño Muhlach sa telebisyon? E ang softdrinks na Sarsi, na isa sa mga inendorso niya noong una.

Sa post ng Batang Pinoy – Ngayon at Noon, binalikan ng maraming social media users ang mga gunitang ipinaalala sa kanila ng lumang endorsement ni Niño, na noon ay isang musmos pa lamang.
“Kilala niyo ba ang cute na artistang ito noong bata pa siya?”tanong ng admin sa caption ng litratong ini-upload nito.
“Sarsi!” kumento ni M. Panti. “Sarap inumin dahil sa kanyang kakaibang lasa! Mayroon pa kaya niyan? Fifteen centavos lang ‘yan noong bagong dating ako ng Maynila, noong 1972, pati iyong costume na-orange.”
“Idol ng lola ko si Niño. Walang pelikulang pinalampas, lahat napanood niya!” pagbabahagi ni J. Minay-montejo.
Hiling naman ng social media user na si L. Alfaro, “Sana ibalik nila ang Sarsi, lalo rito sa amin. Wala na sa mga tindahan, e. Wala na raw deliver, phased out na.”

Marami rin ang natuwa na makita ang lumang litratong ito ni Niño dahil talagang nakatutuwa ang pagiging cute at bibo nito noon; na kahit sa isang simpleng larawan lamang ay makikita mo na kaagad.
Mayroon ding mga nagsabi na hindi maikakaila ang pagkakahawig ng dating child star sa kanyang anak na si Alonzo, na ngayon at isa na ring artista.