Babaeng nagpakain sa mga Aeta na nasa labas ng restaurant, hinangaan

Images via Diana Alano | Facebook
  • Hinangaan ng marami ang isang babae na nagpakain ng mga Aeta na nasa labas ng restaurant
  • Ibinahagi ng isa sa mga miyembro ng MARIKINA NEWS ang ilang larawan ng babae habang ibinabahagi sa iba ang mga biyayang natatanggap niya
  • As of posting, wala pa rin nakaaalam kung sino ang babaeng ito, ngunit nagpapasalamat ang mga miyembro sa kabutihang ginawa nito

Marami ang humanga sa isang babae na nagpakain ng mga Aeta na nasa labas ng restaurant na kinakainan niya.

Image capture from Facebook

Sa Facebook group na MARIKINA NEWS, ibinahagi ng isa sa mga miyembro ang ilang larawan ng hindi nakikilalang babae habang ibinabahagi sa iba ang mga biyayang natatanggap niya. As of posting, wala pa ring nakaaalam kung ano ang pangalan ng babaeng ito, ngunit nagpapasalamat ang marami sa kabutihang ginawa niya.

“Go spread your love and continue sharing your blessings. Good job,” wika ni Otaner Mendiolad.

“God bless you, madam na naka-post. Mabuti ka pa may kusa, samantalang ‘yong ibang walang paglagyan ng pera ni hindi makaiisip niyan. Napakabuti mo, madam. Marami pa sana ang tumulad sa iyo,” ani Lucky Charm Smith.

Kumento naman ni Melcha Jemimah Escobar, “God bless you po, ate. Sana isa riyan ‘yong mag-ama na Aeta na nakausap ko. Nanghihingi rin sila sa mga sasakyan kaso habang pinagmamasdan ko sila ni isang magandang kotse wala man lang nagbaba ng bintana para abutan sila. Buti pa ‘yong mga nasa tricycle, nasa simpleng sasakyan. Kaya saludo ako sa ‘yo, ate, sa pagshare mo ng blessings sa kanila.”

Image via Diana Alano | Facebook

Minsan, sabi nga nila, mas handa pang magbigay ang mga may payak na pamumuhay.

Kabilang sa mga simpleng tao na may mabuting kalooban ay mga Aeta rin na katulad nila. Matatandaang tone–toneladang mga kamote ang ipinamahagi ng mga Aeta sa may 5,000 pamilya ng Baseco Compound nitong nakaraan. Nagdulot ito ng labis na kasiyahan sa mga residente, lalo na at nagsuot pa sila ng costume ni Santa Claus habang ibinabahagi sa lahat ng mga taga-Baseco ang kanilang handog na kamote.

Image via Roberto Rosales | Facebook