Awesome memories: Ang mga nagliliwanag na cellphone noong early 2000s

Image capture from Facebook
  • Noong bago pa lamang nauuso ang paggamit ng cellphone, nakahiligan din ng mga tao ang pagpapaganda sa mga ito; bumibili ng iba’t ibang klaseng accessories, nagpapagandahan ng case
  • Nauso rin ang mga nagliliwanag na cellphone, na ipinapa-customize pa ang mga ilaw
  • Sa post ng Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng netizens ang mga sandali kung kailan isa sa mga pinagbuhusan nila ng panahon at oras ay ang pagpapaganda ng kanilang mobile phone

Naging “passion” mo rin ba ang pagpapaganda ng cellphone mo noong early 2000s?

Image capture from Facebook

Noong bago pa lamang nauuso ang paggamit ng cellphone, nakahiligan din ng mga tao ang pagpapaganda sa mga gadget na ito; bumibili ng iba’t ibang klaseng accessories, nagpapagandahan ng case. Nahilig din sa mga nagliliwanag na cellphone, na ipinapa-customize pa ng iba ang mga ilaw para maging unique at sakto sa personalidad nila

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, binalikan ng mga social media users ang mga sandali kung kailan isa sa mga pinagbuhusan nila ng panahon at oras ay ang pagpapaganda ng kanilang mobile phone.

“Astig ka noon ‘pag maganda at mailaw ang phone mo,” saad ng admin ng page sa caption ng litratong ibinahagi nito.

“‘Yong casing at ‘yong pasabit sa cellphone noong araw ang kinakarir ko riyan,” pagbabahagi ng Facebook user na si Louisiana Ignacio.

“Kahit pa mga luma o bigay lang mga naging CP ko, parang bago pa rin. Magaganda kasi mga housing, palawit, at pati mga ringtone,” pagbabalik-tanaw naman ni Elenita Miranda.

Image capture from Facebook

“‘Pag may nag-text o tawag, ang lakas makailaw na parang nasa sayawan ka lang. Those days!” pag-aalaala ni Betty Jake.

Balikan ang mga nagliliwanag na cellphone na usong-uso noon:

Ikaw, naging hilig mo rin ba ang pagpapaganda ng iyong mobile phone? Ibahagi ang iyong kuwento sa comments section!