
- Namangha ang social media users sa Mercury D
rug na mayroong drive thru - Ito ay matapos mag-viral ang larawan na ini-reupload ng netizen na si Alex Joseph VD mula sa hindi pinangalanang source
- Bagama’t matagal-tagal na rin simula noong nagsimulang magkaroon ng mga drive thru ang Mercury D
rug, mukhang marami pa rin ang hindi nakaaalam nito
Mercury Drug na may drive thru?

Bagama’t matagal-tagal na rin simula noong nagsimulang magkaroon ng mga drive thru ang Mercury Drug, mukhang marami pa rin ang hindi nakaaalam nito. Marami ang nagulat, nagtanong, at namangha sa larawan ng store na mayroong drive thru matapos mag-viral ang larawan na ini-reupload ng netizen na si Alex Joseph VD mula sa hindi pinangalanang source.
Samantala, marami rin ang nagpahayag ng tuwa. Anila, ang pagdami nito ay patunay lamang na kahit papaano ay nagiging maunlad na rin ang Pilipinas kagaya ng ibang mga bansa na matagal nang mayroon nito.
“I appreciate you posting a Mercury Drug‘s drive thru branch. This just mean addressing the trend that people wants to have. This is a great response especially in the metropolis that has limited parking spaces,” ani RA.
“Actually, this is very convinient and useful knowing na halos lahat na ng tao ay may kanya-kanya nang sasakyan. Hindi na hassle maghanap ng paradahan,” kumento ni CEG.
“This is good. Magandang practice ang drive thru sa mga pharmacy kasi puwedeng i-fax or i-email ng doctor’s office ‘yong prescription tapos pick up and pay sa drive thru,” wika ni JDF.
Sabi naman ni LPA, “Patunay na asensado na rin ang Pinas. Dito sa US, kahit bank transactions naka-drive thru.”

Madali rin makikita sa Google Map ang listahan ng mga store nito na mayroong drive thru; kabilang na ang Mercury Drug Greenhills Ortigas, Mercury Drug Southwoods, Mercury Drug Edsa Danlig, at iba pa.