Aso tinulungan ang isang pamilya para makatakas sa nasusunog na bahay

Imahe mula sa Savannah Fire Department via Facebook
  • Isang aso ang nagmistulang bayani para sa pamilya na nangangalaga sa kaniya
  • Iniligtas kasi ng asong ito ang pamilya mula sa nasusun0g nilang bahay
  • Nagising ang natutulog na pamilya dahil sa lakas ng tahol ng alaga nilang aso, kaya naman nakaligtas agad sila sa trahedya
Imahe mula sa Savannah Fire Department via Facebook

Maraming dahilan kung bakit pinipili ng isang tao o pamilya na kumupkop at mag-alaga ng hayop tulad ng aso at pusa.

Para sa mga magkasintahan, sila ay nag-aalaga o kumukupkop ng hayop upang matutunan nilang maging responsable at paghandaan ang pagbuo ng sariling pamilya at pagkakaroon ng sariling anak. Hindi kasi biro ang pag-aalaga ng hayop kaya’t nagiging magandang karanasan din ang matutunan ito nang tama.

Samantalang sa mga pamilya, itinuturing nilang bahagi ng kanilang tahanan ang mga alagang hayop na napamahal na rin sa kanila sa pagdaan ng taon. Ang iba nama’y ginagawang bantay ng kanilang tahanan at pamilya ang alagang aso.

Maaari ring makapagbigay ng therapy ang mga alagang hayop lalo na ang mga aso at pusa dahil ayon sa siyensya, nakapagbibigay sila ng “affection, comfort and love” para sa mga taong may pinagdaraanan sa buhay.

Imahe mula sa Savannah Fire Department via Facebook

Ngunit para sa isang pamilya sa Georgia, USA, ang kanilang alagang aso ang naging dahilan kung bakit silang lahat ay nailigtas mula sa kapamahakan.

Ayon sa report ng Savannah Fire Department sa kanilang Facebook page, isang pamilya sa Georgia ang nakaligtas sa nagliliyab nilang bahay dahil sa aksyon ng kanilang alagang aso.

Habang natutulog umano ang limang miyembro ng pamilya, nagising sila sa malalakas na kahol ng alagang aso na si Sammy. At nang sila ay nagising ay nag-umpisa na raw matupok ng ap0y ang likuran na bahagi ng kanilang bahay, ngunit dahil sa paggising sa kanila ni Sammy, nakalabas agad sila mula sa nagliliyab na tahanan.

Imahe mula sa Savannah Fire Department via Facebook

Dali-dali namang rumesponde ang Savannah Fire Department at matagumpay nilang nasawata ang ap0y. Kinilala ng Savannah Fire Department ang naging aksyon ni Sammy na siyang naging dahilan kaya walang nasaktan sa pamilya.

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, mayroong mga alagang hayop ang hindi nailigtas mula sa kapamahakan.

While several crews battled the fire, other firefighters located and removed the three pets (another dog and two cats) from the smoke-filled structure,” ani ng mga awtoridad.

Hindi man nailigtas ang lahat ng nakatira sa bahay, isang malaking tulong pa rin ang ginawang aksyon ni Sammy at nagpapatunay din ito ng kahalagahan ng pag-aalaga ng hayop.