
- Marami ang namangha sa 1950 calendar na ibinahagi ng isang Facebook page
- Bukod sa pagiging simple at malinis, namangha ang social media users na may nakapagtabi pa nito gayong taon-taon kung palitan at itapon ang kalendaryo
- May mga nakapuna rin na magkapareho ang January 1950 at ang kasalukuyan nating panahon ngayon na December 2019
Hindi araw-araw ay makakikita ka ng lumang kalendaryo na lampas kalahating dantaon na simula matapos gamitin.

Dahil dito, marami ang namangha sa 1950 calendar na ibinahagi ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon. Bukod kasi sa simple at malinis nitong disenyo, namangha rin ang netizens na may nakapagtabi pa nito gayong taon-taon naman kung palitan at itapon ang kalendaryo sapagkat wala na itong gamit kapag nagpalit na ang taon. Dagdag pa rito, ibinalik din sila nito sa panahon.
“Ilang taon ang nagdaan. Alaala ng lumipas na kay sarap mabalikan, panahon na kung saan ang buhay ay simple lamang,” kumento ng Facebook user na si Roman Caseres.
“Wow. Nakatutuwa talaga makakita ng mga lumang bagay. At sa panahong ‘yan ay 14 years old pa lang ang mother ko at 1950 rin po nang ma-recruit ang father ko sa Philippine Army,” wika ni Yoly Urbi.
“Biruin mo ‘di ka pa isinilang sa panahong ito pero naabutan mo ang kalendaryo,” ani Elvira Saldua.
“One year old pa lang ako! Ngayon e 71 years old na ako, so 70-year-old na pala ‘yan? Hanga ako sa nakapagtabi pa niyan. Usually kasi itinatapon na after a year,” sabi naman ni Epifania Francisco.
May mga nakapuna rin na magkapareho ang January 1950 at ang kasalukuyan nating panahon ngayon na December 2019.

Mapapaisip ka rin kung ano kaya ang mayroon sa January 1950 at sa dami ng taong lumipas naitabi pa rin ito ng may-ari? O nagkataon lamang ba na walang nakapansin na hindi ito naitapon noong magpalit na ng taon?