90s memories: Choco-malt powder na Milo, tinitimpla, ipinapalaman, o pinapapak?

Image via Batang Pinoy - Ngayon at Noon. | Facebook
  • Sobrang popular sa mga batang 90s ang chocolate-malt powdered drink na Milo
  • Bukod sa tinitimpla, ginagawa rin nila itong palaman sa tinapay at pinapapak na parang isang normal na kendi o tsokolate
  • Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang mga alaalang dala ng paborito nilang meryenda

Puwedeng inumin, puwede rin kainin — ito ang ang chocolate-malt powdered drink na Milo.

Image capture from Facebook

Hindi maikakailang popular sa mga batang 90s ang Milo; unang hinahanap paggising sa umaga, paulit-ulit na pinipili sa tuwing nag-iisip ng imemeryenda. Bukod kasi sa tinitimpla, ginagawa rin nila itong palaman sa tinapay at pinapapak na parang isang normal na kendi o tsokolate.

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang mga alaalang dala ng paborito nilang Milo. Bawat isa ay may sariling paraan at dahilan kung bakit nila ito gusto.

“Noong bata ka ba nasubukan mo ring papakin ang Milo? Ipalaman sa tinapay, at ipang-ulam sa kanin?” tanong ng admin ng page sa text na nakalagay sa larawang ibinahagi nito.

“Noong 12 years old ako, kalakasan kong kumain, meryenda ko kanin at ulam ko Milo. Isang malaking pinggan na kanin iyon at hinahaluhan ko lang ng Milo. Ang sarap ng kain ko! Solved na solved na ako,” ani Elie Sueval.

“Grabe, dahil dito ang taba-taba ko. Lusog, e. Hiyang na hiyang sa Milo; pang ulam, pinapapak, at palaman sa tinapay,” kuwento ni Chalou Jason Morete.

Image capture from Facebook

“Pinapapak ko talaga! Tanda ko noon, tig-iisa kaming magkakapatid niyan parang good for one week, depende sa pag-budget mo. Pero ang ginagawa ko, pinapapak ko rin ‘yong Milo nila,” pagbabahagi ni Shie Bells.

Sabi naman ng iba, hanggang ngayon ay ginagawa pa rin nila ang mga nakasanayan nila sa Milo. Sa katunayan, itinuro na rin nila ito sa kanilang mga anak, apo, pamangkin, at iba pang mas bata sa kanila.

Ikaw, paano mo nae-enjoy ang Milo mo?