90s memories: Ang Stay Fresh na paborito ng marami noong elementary days

  • Isa sa mga paboritong candy noon ng mga elementary students noong dekada 90 ang Stay Fresh
  • Bukod sa mura na, marami pang laman at maaari raw tipirin at paisa-isa lang ang kuhanin at kainin kung kailan lamang gusto
  • Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang mga alaalang dala ng maliliit ngunit masasarap na menthol candies

Mahilig ka rin ba bumili noon ng Stay Fresh?

Image capture from Facebook

Isa sa mga paboritong candy noon ng mga elementary students noong dekada 90 ang Stay Fresh. Bukod sa mura na, marami pang laman; at maaari raw tipirin at paisa-isa lang ang kuhanin at kainin kung kailan lamang gusto. Ang iba naman ay ginagamit itong pampabango ng hininga.

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang mga alaalang dala ng maliliit ngunit masasarap na menthol candies na ito. Marami ang nagsabi na pinaaalala sa kanila nito ang kanilang kabataan. May mga ginagawa itong baon kapag kapos ang pera. May mga nagsabi na sobrang presko nito sa bibig at naghihihipan silang magkakamag-aral. May mga ginamit itong breath freshener.  Ang iba naman ay pinapalutang ito sa labi.

Hindi naman daw tuluyang nawala sa eksena ang Stay Fresh. Sa katunayan, sabi ng iba ay nakabibili pa rin daw sila ng candy na ito hanggang ngayon, bagama’t hindi na ito madaling matagpuan sa mga tindahan.

Gayunman, wika nila, kung may pagkakataon ay ginagawa pa rin nila sa Stay Fresh ang kanilang mga nakagawian noon, kahit pa ngayong hindi na sila mga bata.

Image capture from Facebook

Ikaw, ano ang mga hindi mo makalilimutan sa kendi na Stay Fresh? May mga ibinalik ba sa iyong alaala nang mapag-usapan ito? Ibahagi ang iyong kuwento sa comments section!


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: