”Yong itinutulak ka na niya sa iba’: Jollibee na nakaturo sa McDo, kinaaliwan

  • Mahigpit na magkakumpetensya sa bansa ang Jollibee at McDonald’s
  • Sa larawang ibinahagi ng Facebook page na Damn Feeling, makikita ang isang Jollibee statue na nakaturo sa pangalan ng fast food restaurant na McDonald’s
  • Kinaaliwan ng social media users ang angulong ito ng kumuha ng litrato

Hindi maitatanggi ang matinding ang tapatan ng mga fast food restaurant na Jollibee at McDonald’s sa bansa; parehong pasok sa panlasa ng mga Pilipino, malapit sa puso ng mga bata, madalas pang magkalapit ang mga puwesto.

Image capture from Facebook

At dahil, “competition is real” talaga sa pagitan ng dalawang kainan na ito, kinaaliwan ng maraming social media users ang larawang ibinahagi ng Facebook page na Damn Feeling kung saan makikita ang isang Jollibee statue na nakaturo sa pangalan ng branch ng McDonald’s na nasa tapat nito.

“‘Yong itinutulak ka na niya sa iba kasi alam niyang doon ka mas sasaya,” saad ng administrator ng page na humugot pa sa caption ng larawang ini-upload nito bilang profile picture.

Kinaaliwan ng social media users ang anggulong ito ng kumuha ng litrato.  Marami ang nag-iwan ng kumento sa post; may mga natawa, may mga nagsabi na ang bait ni Jollibee dahil nagpaparaya ito, at mayroon ding mga nadala sa caption at humugot din.

“Ganiyan ka-sport si Jollibee. Pino-promote din niya ang iba para payapa ang mundo,” kumento ng social media user na si Acu C Sam.

“Ang bait ni Jollibee, binibigyan ng customer si McDo,” ani Dhylle Nathan Cruz.

Hugot naman ni Joselle Goronal, “‘Yong feeling na sa picture ka natawa pero sa caption ka nadurog.”

Image via Damn Feeling | Facebook

Ikaw, ano ang naging reaksyon mo sa post na ito? Natawa ka ba? Natuwa? O isa ka sa mga nag-senti dahil sa caption ng litrato?


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: