‘Who needs a cupcake tower?’ Siomai tower, kinaaliwan ng social media users

  • Kinaaliwan ng social media users ang siomai tower na ibinahagi ng isang netizen
  • Sa Facebook, tinakam ng user na si Shan Shaine ang mga netizens matapos siyang mag-post ng isang food tower na puno ng siomai
  • Ang tanong niya, “Who needs a cupcake tower when you have…”

Isa ang cupcake tower sa mga kumukumpleto sa mesa tuwing may okasyon. Bukod sa maganda nang tingnan, masarap pa. Pero handa ka ba kung sakaling hindi cupcake ang laman ng tower na ito?

Image via Pixabay

Sa Facebook, ibinahagi ng social media user na si Shan Shaine isang food tower na punong-puno ng siomai. Ang tanong niya sa caption ng larawan, “Who needs a cupcake tower when you have…” [Sino ang mangangailangan ng cupcake tower kung mayroon ka namang…]

Bagama’t hindi ito ang karaniwang laman ng food tower — at hindi rin ito matatagpuan sa dessert table — ay natakam pa rin ang mga Facebook users sa kanilang nakita.

Marami ang nang-tag ng kanilang mga kapamilya at kaibigan para ipakita sa mga ito ang kakaibang food tower. Tuwang-tuwa rin ang siomai lovers na nakakita nito at nagsabi na mas mainam pa ito sa cupcake tower. Mayroon din mga natawa sa nasabing litrato.

Samantala, may nagkumento rin na gusto niyang gawin ang katulad nito sa wedding cake. Sabagay, kung puwede sa cupcake tower, baka naman puwede rin ipalit sa mismong cake? Nasa pagiging malikhain lamang siguro ng gagawa kung magkakaroon ng katuparan ang hiling na ito.

Image capture from Facebook

As of posting, nakakuha na ang larawan ng siomai tower ng lampas 2,500 reactions, halos apat na libong kumento, at lampas 7,400 shares.

Ikaw, ano ang naging reaksyon mo nang iyong makita ang siomai tower na ito? Isa ka ba sa mga nangarap na magkaroon din nito? O kabilang ka sa mga mas gusto pa rin ang cupcake tower? Ibahagi sa amin ang iyong opinyon sa pamamagitan ng comments section nito.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: