Wedding bells sa Japan: Vhong Navarro at long-time partner Tanya Bautista ikinasal na

  • Napiling magpakasal nina Vhong Navarro at Tanya Bautista sa Kyoto, Japan
  • Dinaluhan ang kanilang kasal ng mga kapamilya at malalapit na kaibigan
  • Kapansin-pansin ang masayang selebrasyon ng kanilang pag-iisang dibdib base sa mga social media posts

“Sa hinaba haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.”

Imahe mula sa Instagram | Vhong Navarro

Kapansin-pansin sa Instagram posts ni Vhong Navarro nitong mga nakaraang araw ang tila mga prenup shots kasama ang long-time partner at resident writer ng ABS-CBN na si Tanya Bautista. Idagdag pa ang mga captions nito na nagpapahiwatig ng kanilang pag-iisang dibdib.

Sa kabila ng kaliwa’t-kanang mga pagbati sa mga posts na ito ng Showtime host mula sa kanyang mga kaibigan sa showbiz, nanatiling maraming haka-haka kung kasal na nga ba o ikakasal pa lamang ang dalawa. Ngunit ito ay nakumpirma base sa video na in-upload ni Kuya Kim Atienza sa Instagram.

Makikita sa nasabing video ang naglalakad na si Tanya papuntang altar habang ito ay hinihintay ni Vhong. Nakuha pa ng huli na magbiro nang umakma itong hahalikan si Tanya matapos magbigay ng paggalang sa kanyang future in-laws.

Imahe mula sa Instagram | Vhong Navarro

Masasabing star-studded ang guest list sa kasalang ito. Bukod sa Showtime family ni Vhong gaya nina Vice Ganda, Anne Curtis at mga ninong na sina Direk Bobet at Kuya Kim, namataan din sa selebrasyon sina Dr. Vicki Belo at anak na si Scarlet Snow Belo.

Kasama rin sa pagdiriwang na ito ang Streetboys kung saan ay nagkaroon pa ng intermission number na kinagiliwan ng maraming bisita.

Usap-usapan din sa social media ang pagdalo ni John Lloyd Cruz at makikita sa Instagram story ni Vice Ganda na isa ito sa mga kasama sa entourage, pati na si Billy Crawford. Matatandaan na sila ay kabilang sa grupong Kanto Boys ng ASAP na unang lumabas noong 2009.

Imahe mula sa Instagram Story| Vice Ganda

Hindi maikakaila ang napakasayang selebrasyon ng pag-iisang dibdib na ito nina Vhong at Tanya. Base sa mga Instagram stories at posts ng mga nagsipagdalo, makikita ang napaka-lively at fun na program sa reception.

Naghanda pa ang bagong kasal ng isang intermission number at sinayaw ang mga sikat na dance craze gaya ng Señorita at Chicken Noodle Soup.

Congrats, Vhong at Tanya!


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: