
- Kinaaaliwan ngayon sa social media ang “honest billboards” ng Orocan
- Sa Facebook, ibinahagi ng isang netizen ang larawan ng billboards na may mga mensahe na para bang — sa salita ng mga milenyal — ay nangri-“real talk”
- As of posting ay nakakuha na ito ng lampas 24,000 reactions, mahigit 24,000 shares at libo-libong kumento
Sa mahal ng billboard advertisements, hindi nakapagtataka kung bakit labis itong pinaghahandaan ng mga kumpanya na nasa likod nito.

Pero iba ang “honest billboards” ng Orocan na kinaaaliwan ngayon sa social media. Sa halip kasi na magpasikat din gamit ang billboard advertisement nito, naging taliwas sa karamihan ang ikinabit nito.
Sa Facebook, ibinahagi ng netizen na si Rona Katrina Jasa ang larawan ng billboards na may mga mensaheng para bang — sa salita ng mga milenyal — ay nangri-“real talk”. Wala itong endorser at tanging ang larawan ng produktong Koolit Kantina lamang ang makikita rito at ang mga one-liner na “‘pag nakabenta kami, next time may endorser na kami” at “wala kaming work ‘pag ‘di nakabenta”.
Nakakatawa, tumatatak, at mukhang “may nanalo na” kung sa pagpaparating ng mensahe ng brand ang labanan. Ang gusto lang naman sabihin ng Orocan ay ito “ang plastic na totoo”. As of posting, nakakuha na ito ng lampas 24,000 reactions at mahigit 24,000 shares; mayroon na rin libo-libong kumento.
“Sobrang galing! Ang plastic na totoo! Shoutout sa witty concept,” kumento ni Via Antonio Ruiz.
“Galing ng ad! Aha! Orocan ‘Ang plastik na Totoo’!” wika ni Jay Aries Falses.
May mga nagsabi rin na dahil sa sobrang nakakatawa ang ads ay nagkainteres na sila sa produkto.

Ikaw, ano ang tingin mo sa marketing strategy na ito? Naeengganyo ka na rin ba sa produkto? Bibili ka rin ba nito? Ibahagi sa comments section ang iyong reaksyon at opinyon dito!