[Video] Paglalagay ng VR headsets sa mga baka, nakatutulong sa produksyon ng gatas

  • Kumalat kamakailan ang larawan ng isang baka na nakasuot ng virtual reality headset
  • Akala ng mga tao noong una ay isa lamang itong malaking biro, ngunit kinumpirma ng Ministry of Agriculture and Food ng Moscow na may isinasagawa ngayon na isang eksperimento
  • Layunin daw nito na alamin ang epekto ng VR sa mood ng mga baka at kung nakatutulong ba ang device na ito sa produksyon ng gatas

Ano nga ba ang nagagawa ng virtual reality (VR) headset sa mga baka?

Image via Ministry of Agriculture and Food-Moscow

Kamakailan ay kumalat ang larawan ng isang baka na nakasuot ng VR headset sa Moscow. Ang akala ng mga tao noong una ay isa lamang itong malaking biro, ngunit kinumpirma ng Ministry of Agriculture and Food ng Moscow na may isinasagawa ngayon na isang eksperimento.

Sa cattle farm na RusMoloko, sinimulan kamakailan na pagsuotin ang mga baka ng espesyal na VR headset na akma sa “structural features of cow heads”. Dito ay nagsimula ang pakikipagtulungan ng mga developer ng VR headsets sa mga nag-aalaga ng baka at mga beterenaryo upang maging mas maayos ang nasabing pag-aaral.

Dahil kasalukuyan pa itong isinasagawa, iilan pa lamang ang findings na nakuha. Sa inisyal na resulta ng pag-aaral, nabawasan umano ang “anxiety” ng mga baka at gumanda ang mood nito. Samantala, ang ikalawang bahagi naman ng eksperimento ay naglalayong makita kung may maitutulong ba ang mga espesyal na VR headset na ito sa mga baka kung produkyon ng gatas ang pag-uusapan.

As of posting, wala pang may alam kung hanggang kailan tatagal ang eksperimentong ito, ngunit kung patuloy daw na makakikita ng positibong resulta ay mas palalawakin pa ang ginagawang pag-aaral.

Image via Ministry of Agriculture and Food-Moscow

Panoorin ang video upang mas maunawaan pa ang eksperimentong ito:

Makatutulong nga kaya ang device na ito sa mga baka?


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: