Video ni Pauleen Luna at anak na si Tali, kinaaaliwan online

  • Kinaaaliwan ng mga netizens ang video ng anak nila Vic Sotto at Pauleen Luna na si Talitha Maria o Baby Tali
  • Makikita kasi sa video ang flower girl na si Tali, ngunit imbes na maglakad ay binuhat siya ng kaniyang ina na si Pauleen habang naglalakad papuntang altar
  • Ang video ay kuha sa kasal ng kapatid ni Pauleen
Imahe mula kay Pauleen Luna via Instagram

Dahil na rin sa pagiging popular ng mga social media, nasasaksihan at nagkakaroon ng updates ang mga netizen na sumusubaybay sa kanilang paboritong artista o personalidad.

Ang social media rin ang nagpakilala sa mga anak ng mga kilalang celebrities, na habang bata pa at hindi pa lumalabas sa telebisyon ay sikat na ang mga ito.

Ang ilan sa mga kilalang anak ng artista ngayon na makikita at sikat sa social media ay sina Scarlett Snow Belo, Zion Gutierrez , Primo Arellano, at marami pang iba.

Imahe mula sa @team_bosleng via Instagram

Ngunit kamakailan ay maraming netizens ang naaliw sa isa pang anak ng celebrity na si Talitha Maria Sotto o mas kilala sa tawag na baby Tali.

Si Tali ay anak ng Kapuso celebrities at Eat Bulaga hosts na sina Vic Sotto at Pauleen Luna. Sa lusog at ka-cute-an ni baby Tali ay maraming netizens ang natutuwa sa tuwing nakikita ang kaniyang mga litrato at video sa Instagram ni Pauleen.

Isang video ni baby Tali ang kinaaliwan ng mga netizens matapos siyang buhatin ng kaniyang ina na si Pauleen para lang makapaglakad papuntang altar.

Si baby Tali kasi ay isa sa mga flower girl sa kasal ng kapatid ni Pauleen na si Miguel Luna. Ibinahagi rin ng kaniyang ina ang litrato ni Tali habang sya’y inaayusan para sa kasal.

 I-click ang imahe upang mapanood ang video ng @team_bosleng | Instagram)

Ayon sa celebrity host na si Lolit Solis na dumalo rin sa kasal, naroon din ang senador at aktor na si Bong Revilla.

Tuwang-tuwa naman ang mga netizens na nag-iwan ng komento sa video: “Oo nga bakit ayaw maglakad ni Tali…. Malayo daw kasi lalakarin niya.

You’re so cute Tali.

Ang layo daw kasi e, mapapagod si bachuchi.

Sources: Instagram, Instagram


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: