
- Lumabas na ang pinakaaabangang trailer ng pelikulang Miracle in Cell No. 7 Pinoy version
- Mayroon na agad itong 7 million views sa loob lamang ng 16 na oras
- Ang orihinal na South Korean drama na ito ay kabilang sa Metro Manila Film Festival na ipapalabas sa Disyembre
Hindi lang Korean series ang patok sa mga Pinoy kundi pati na rin ang mga pelikula mula sa Korea.

Sa katunayan, ipinagdiriwang dito sa Pilipinas ang Korean Film Festival kada taon upang mapagtibay ang pagkakaibigan ng Pilipinas at Korea. Nasa 70 taong anibersariyo na ang pagkakaibigang ito ng dalawang bansa.
Sa kalagitnaan ng taon, lumabas ang balitang magkakaroon ng Pinoy version ang South Korean drama film na Miracle in Cell No. 7 na unang ipinalabas noong 2013 at nagpaluha sa napakaraming tagapanood.
Sa pag-uumpisa ng shooting ng nasabing pelikula, nag-viral sa social media ang ilang behind the scenes na litrato ng bidang si Aga Muhlach habang nasa korte.
Naging usap-usapan din ang pelikula nang ibalitang papalitan ng aktres na si Bela Padilla ang orihinal na cast na si Nadine Lustre. Ayon sa balita, umatras si Nadine sa role “due to medical concerns.” Buong loob namang tinanggap ni Bela ang karakter na para sana kay Nadine.

At ngayon, muling naging usap-usapan ang pelikula pagkatapos lumabas ang unang trailer nito sa social media. Ang pelikula ay pinagbibidahan nina Aga Muhlach, Xia Vigor at Bela Padilla. Makikita rin sa trailer sina John Arcilla, JC Santos, Mon Confiado, at Jojit Lorenzo.
Samu’t saring komento naman ang inihayag ng netizens tungkol sa trailer ng pelikulang idinirek ni Nuel Naval. Ang video ng trailer sa YouTube ay mayroon nang mahigit 7 milyong views sa mga social media platforms; wala pang 24 oras nang ito’y ilabas. Bumuhos din ang mga reaksyon at komento dito.
“Definitely will watch this. Congratulations Aga Muhlach and Bela Padilla! Aga is really the perfect lead for this remake! Nakaka proud! Legend!, Good filipino version, nice casting, it’s great, my eyes full of tears. Good job, well done.”
“Can’t wait for this. One of the best remake in 2019. Need 1 dozen of tissue before watching this on cinema. Grabe, the trailer is so nice and I was in tears when Xia Vigor told sir Aga. Dad Merry Christmas.”

Ang Pinoy remake na ito ay kabilang sa mga entries sa Metro Manila Film Festival ngayong taon at ipapalabas sa Disyembre. Ang pelikulang ito ay kuwento ng mentally challenged na ama na naakusahan sa maling pangyayari at kung paano nila hinarap ito ng kaniyang anak.
Panoorin ang trailer dito: