Tanda mo pa ba ito? Netizens, bumalik sa nakaraan dahil sa old school na kumot

Image via Batang Pinoy - Ngayon at Noon. | Facebook
  • Usong-uso noon ang isang klase ng kumot na stripes at may malalaking bulaklak
  • Sa post ng Facebook post na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang mga alaalang dala ng old school na kumot na usong-uso noong araw
  • Wika nila, gustong-gusto nila ang kumot na ito dahil sa malambot ito at masarap sa katawan

Natatandaan mo pa ba ang kumot mo noong bata ka? Ginamit mo rin ba ang old school na stripes na  kumot na may malalaking bulaklak na disenyo?

Image capture from Facebook

Usong-uso noon ang isang klase ng kumot na stripes at may malalaking bulaklak. Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang mga alaalang dala ng old school na kumot na usong-uso noong araw. Wika nila, gustong-gusto nila ang kumot na ito dahil sa malambot ito at masarap sa katawan.

Tanong ng admin ng page sa caption ng larawang ini-upload nito, “May ganito rin ba kayong kumot?”

“Ganiyang kumot ‘yong iniregalo sa amin ng ninang namin sa kasal ng asawa ko, kahit saan kami lumipat dala-dala namin ‘yang kumot na ‘yan,” pagbabahagi ni April Mae Coja Miras.

“Dati mayroong ganiyan pa nga kumot ko noon na tatlong beses yatang nilabhan ng nanay kada isang Linggo, pero ngayon ako na naglalaba ng kumot ko. Minsan sa isang buwan lamang, kasi ‘di ako nagkukumot na!” ani Racso Dalapan.

“Noong araw blanket ko ‘yan, kumot namin. Kaso may allergy ako sa mga mabalahibo kaya ayon, ‘yan ang binili ng inang ko. Masarap ikumot ‘yan…hanggang ngayon ganyan pa din kumot namin, ” sabi ni Cristina Lagua.

“Oo naman, matibay at masarap sa katawan. Ginagawa pa ngang duyan no’ng malilit pa mga anak ko,” kuwento namann niArmida Angco Cemene Dabuet.

Image capture from Facebook

Mayroon pa rin naman daw nagtitindi nito ngayon ngunit madalang na lamang.