Sylvia sa kaibigan at idolong si Maricel: Salamat, mula 1990 minahal mo na ako

  • Binisita kamakailan ng aktres na si Maricel Soriano ang malapit niyang kaibigan na si Sylvia Sanchez sa tahanan nito
  • Sa Instagram, ibinahagi ni Sylvia ang ilang larawan nila ng tinaguriang Diamond Star
  • Sa caption ng mga litrato na ini-upload niya, nagpasalamat si Sylvia sa pagmamahal nito sa kanya at sa buong pamilya niya sa loob ng mahigit dalawang dekada

Sa abalang mundo ng showbiz, mapapalad ang mga artista na nakatatagpo ng mga pagkakaibigang totoo at pangmatagalan.

Image capture from Instagram

Kabilang sa pagkakaibigang ito ang naging samahan nina Maricel at Sylvia, na malapit na sa isa’t isa noon pa lamang dekada 90. At nitong nakaraan lamang, nagkuwentuhan at nag-bond ang dalawa sa bahay ni Sylvia.

Sa Instagram, ibinahagi ni Sylvia ang ilang larawan nila ng tinaguriang Diamond Star, na hindi lamang isang mabuting kaibigan ngunit hanggang ngayon ay tinitingnan niya bilang isang idolo. Sa caption ng mga litrato na ini-upload niya, nagpasalamat si Sylvia sa pagmamahal nito sa kanya at sa buong pamilya niya sa loob ng mahigit dalawang dekada

“Salamat sa pagdalaw. Hehe kinikilig ako. Simpleng chikahan at tawanan lang, ang saya-saya lang natin,” wika ng aktres. “Mula 1990 minahal mo na ako, hanggang ngyon hindi nagbago ang pagmamahal mo. Iba ka rin kapag nagmahal, buong angkan ko minahal mo. Salamat sa pagmamahal, Inay, mahal ka din naming pamilya.”

Ikinatuwa ng maraming social media users na makita ang dalawang beteranang aktres na masayang magkasama. Marami ang nag-iwan ng kumento sa nasabing post at inihalintulad pa sa “diamond” ang tibay ng pagkakaibigan nila.

 

Image via @sylviasanchez_a | Instagram

“Sarap ninyong pagmasdan, mga inay. Damang-dama ‘yong pagmamahal sa pagkatao. Hindi mo makitaan ng kaartehan at higit sa lahat ay pinagpala sa kagandahan,” wika ni @mayrickylacap26.

“Strong and genuine friendships last forever, parang diamond ‘yan,” ani @pacitesjosiejoie.

Samantala, hiling ng ibang Instagram user, sana naman ay magkasama na sa isang pelikula ang dalawang mahuhusay na aktres.


Loading...
Source :

Instagram

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: