Sue kay Yves: Ingatan mo ang sarili mo dahil ‘di ko ma-imagine ang buhay ko na wala ka

  • Isa sa mga bagay na ipinagpapasalamat ng aktres na si Sue Ramirez ay ang pagkakaibigan nila ng kanyang kapwa Kapamilya star na si Yves Flores
  • Sa kanyang mensahe para sa kaarawan ni Yves, ipinahayag ni Sue kung gaano ito gaano kahalaga sa kanya 
  • Ipinangako rin ng aktres na anuman ang mangyari ay mananatili silang magkakampi

Bukod sa makikinang na sandali sa showbiz, kabilang din sa magagandang bagay sa industriya ang mga pagkakaibigang nabubuo sa pagitan ng mga aktor na nagkakasama sa mga proyekto — kabilang sa mga ito ang samahan ng magkaibigang sina Sue Ramirez at Yves Flores.

Image via Sue Ramirez | Instagram

Sa kanyang mensahe para sa kaarawan ni Yves, ipinahayag ni Sue kung gaano kahalaga sa kanya ang pagkakaibigan nila ng kapwa niya Kapamilya star. Sa nakaaantig niyang bati ay inisa-isa ng aktres ang mga dahilan kung bakit itinuturing niyang isang biyaya ang tinatawag niyang “‘Tol”.

“Ganiyan palagi ang hitsura ko kapag kasama kita. Ganiyan mo ako napaliligaya. Blessing ka sa buhay ko. Kaya ngayong kaarawan mo, hiling ko lang ay sana palagi kang masaya,” wika ng aktres sa caption sa mga larawan na ibinahagi niya.

Ipinangako rin ng aktres na anuman ang mangyari ang mananatili silang magkakampi sa lahat ng pagkakataon.

“Ingatan mo palagi ang sarili mo dahil hindi ko ma-imagine ang buhay ko na wala ka. Kampi tayo lagi, ‘Tol! Salamat sa matagal nating pagkakaibigan! Sobrang mahal kita!” sabi niya.

Tugon naman ni Yves sa comments section ng nasabing Instagram post, “Salamat, ‘Tol, mahal na mahal kita.”

Sa isang panayam, sinabi ni Yves na si Sue ang unang taong pinupuntahan niya sa tuwing magkakaroon siya ng suliranin.

“Sinu-support niya lang ako. Example, tinatanong niya, ‘Anong balak mo?’ Tapos sinasabi ko. Siya naman, ‘O, sige, suportahan kita riyan.’ Ganoon siya. Listener siya at nagbibigay din siya ng advice,” pagbabahagi ng aktor.

Image capture from Instagram

Paano nga ba nagsimula ang pagkakaibigan nina Sue at Yves?


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: