Roxanne Barcelo, sinagot ang tanong kung best friend pa sila ni Marian Rivera

  • Muling umaarangkada ang career ng aktres at dating housemate ni Kuya sa PBB na si Roxanne Barcelo o kilala rin sa tawag na Roxee B
  • Bukod sa pagpasok sa grand finals sa Tawag ng Tanghalan, mayroon ding bagong pelikula ang aktres
  • Sa interview niya kamakailan, tinanong kung siya ba ay best friend pa rin ng aktres na si Marian Rivera

Tuwang-tuwa ang mga audience at maski ang mga host ng noontime show na Its Showtime nang sumali ang aktres at dating PBB housemate na si Roxanne Barcelo sa Tawag ng Tanghalad Celebrity Edition.

Imahe kuha mula sa video ng ABS-CBN Entertainment via YouTube channel

Bukod kasi sa galing ni Roxanne, o kilala rin sa tawag na Roxee B, sa pagkanta, marami rin ang naaaliw sa kaniyang pagiging kuwela at pagpapatawa. Maski ang host na si Vice Ganda ay tuwang-tuwa kay Roxanne dahil nakakasabay ito sa kanilang kulitan.

Ngayon ay pasok na ang dating housemate ni Kuya sa grand finals ng Tawag ng Tanghalan, ngunit hindi pa rito nagtatapos ang mga dumating na oportunidad para kay Roxee B.

Sa kaniyang interview sa Tonight with Boy Abunda, inanunsyo ni Roxanne na malapit nang ipalabas ang kaniyang bagong pelikulang “Love is Love.”

Gaganap bilang isang trans woman si Roxanne sa romantic comedy film na ito kung saan siya ang lead actress at ang leading man naman niya ay si JC De Vera, sa direksyon ni GB Sampedro.

Imahe mula kay Roxanne Barcelo via Instagram

I was so thrilled when he (GB Sampedro) messaged me and when he sent me the script,” ani Roxanne na nakitaan daw ng direktor ng isang natatanging bagay kaya siya ang napili para sa pelikula.

Sa isang bahagi naman ng interview, tinanong ng host na si Tito Boy kung best friend pa rin ni Roxanne ang Kapuso actress na si Marian Rivera, na sinagot naman ni Roxee ng:  “Yes! Invited pa rin ako sa mga pagtitipon and tinetext pa rin niya ako.” Ngunit sinabi rin ni Roxanne na iba na ang buhay ngayon ng kaniyang best friend dahil may sarili na itong pamilya.

Pero syempre Tito Boy, she lives a different life. Zia is my inaanak and forever na iyon, Ninang na ako for life,” dagdag pa ng aktres.

Panoorin ang nakakatawang interview na ito ni Roxanne Barcelo sa Tonight with Boy Abunda dito:


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: