‘Parang nasa bahay, amoy Downy pa!’ Jeep na malinis at maganda, may mga upuang tila sofa

  • Viral ngayon sa social media ang litrato ng isang jeep na malinis at maganda
  • Bukod sa mayroon itong mga upuang parang mga sofa, mabango rin daw sa loob nito at amoy fabric conditioner pa
  • Hiling ng netizens, sana lahat ng jeepney ay kaaya-aya rin na katulad nito para naman kahit matagal ang biyahe at mausok sa kalye ay komportable pa rin ang mga pasahero

Sino nga ba ang hindi matutuwa sa jeepney na para bang bahay ang hitsura?

Image capture from Facebook

Viral ngayon sa Facebook ang larawan ng loob ng isang jeepney na nakuhanan ng larawan ng isang social media user. Pagbabahagi ng nag-post, bukod daw sa para ka lang nasa bahay dahil mayroon itong mga upuang parang mga sofa, mabango rin daw sa loob nito at amoy fabric conditioner pa. Wika ng user na si RE Gi Ne, “Ngayon lang ako nakasakay sa ganitong jeep. Ang linis-linis, parang nasa bahay ka lang, at amoy Downy pa.”

Sa ganda ng hitsura ng jeepney, hindi nakapagtataka na nakakuha na ito ng lampas 46,000 reactions at 51,000 shares, as of posting. Libo-libong Facebook users na rin ang nag-iwan dito ng kumento at nang-tag ng mga kakilala.

“Wow, ang ganda nga, parang salas lang,” ani Guro Claud Elyngen.

“Designer yata anak ni kuyang driver kasi alam kung paano gawin maganda ‘yong jeep. Joke lang,” ani Abbie Cris Obillo.

Hiling din ng netizens, sana lahat ng jeepney ay kaaya-aya rin na katulad nito para naman kahit matagal ang biyahe at mausok sa kalye ay komportable pa rin ang mga pasahero. At bilang pagtulong naman sa may-ari na ginawa ang makakaya niya upang mapaganda ang pampasaherong sasakyan, sana ay maging maingat din ang mga sumasakay para naman mapanatili sa ganitong lagay ang jeepney na animo isang parte ng bahay.

Image capture from Facebook

Ang sarap nga talaga sigurong sumakay sa ganitong klaseng jeep!


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: