Paandar noong araw: Netizens binalikan ang panahon ng tape rewinder na kotse

Image via Aiza Salen | Facebook
  • Isa ang VHS tape rewinder na kotse sa mga old school na bagay na naging iconic na para sa mga “young once”
  • Sa Facebook group na Memories of Old Manila, ibinahagi ng isa sa mga miyembro ang litrato ng klase ng rewinder na talaga namang naging popular noon
  • Dito ay nagbalik sa nakaraan ang mga miyembro ng grupo

Mayroon ba kayong VHS tape rewinder na kotse sa inyo bahay noon? Inakala mo rin bang laruan ito o pinaglaruan mo rin ba ito? O matanda ka na noong nagkaroon nito kaya alam mo kung para saan ito?

Image capture from Facebook

Sa Facebook group na Memories of Old Manila, ibinahagi ng isa sa mga miyembro ang litrato ng klase ng tape rewinder na talaga namang naging popular noon.

“Good day, mga ka-MOOM (Memories of Old Manila). Naalala ko lang po. Nagkaroon din ba kayo nito? Nawala na kasi ‘yong sa amin na ganito. Comment ‘yes’ kung nagkaroon din kayo,” saad ng isa sa mga miyembro na si Jonjon Alvarez‎ sa caption ng larawang kanyang ini-upload.

Dito ay nagbalik sa nakaraan ang mga miyembro ng grupo.

“Rewinder ng VHS tape,” kumento ng isa sa mga miyembro na si Pelagia Fely Salita Abel.

“Dumating ang husband ko galing America noon, ‘yan ang gift niya sa akin, pati na cassette player and recorder,” pagbabahagi ni Carmencita Buenafe Ramientas.

Gayunman, gaano man ito kapopular noon ay dumating pa rin ang oras kung kailan hindi na ito magamit dahil unti-unti nang naging moderno ang panahon. Sa ngayon, kung may mga nakapagtabi man nito ay naging laruan na lamang ng bata o hindi kaya ay palamuti sa bahay.

Image capture from Facebook

“Hanggang ngayon po mayroon kami niyan. Naka-display na lang,” ani Rowena Rodriguez Jarabelo.

Ikaw, ano ang mga alaalang ibinabalik sa iyo ng old school na tape rewinder na ito? Mayroon pa ba nito sa bahay ninyo? Ibahagi ang iyong kuwento sa comments section!

Source: Facebook