‘Original love team’: Onscreen tandem ng magkaibigang Kathryn at Julia, nais muling mapanood ng fans

  • Nais na raw muling makita ng fans ang onscreen tandem ng Kapamilya stars na sina Kathryn Bernardo at Julia Montes
  • Sa Instagram page na @babyjuliamontes, ini-upload ng admin ang isang larawan nina Kathryn at Julia, na malapit na magkaibigan din sa totoong buhay at nagsasabi na sila ang “original love team”
  • Hindi malilimutan ang pagganap nila sa teleseryeng Mara Clara at pelikulang Way Back Home 

Hangad daw ng mga fans na muling magkasama sa isang proyekto ang Kapamilya stars at matalik na magkaibigang sina Kathryn Bernardo at Julia Montes.

Image capture from Instagram

Sa Instagram page na @babyjuliamontes, ini-upload ng admin ang isang larawan nina Kathryn at Julia, na malapit na magkaibigan din sa totoong buhay at nagsasabi na sila ang “original love team”. Hindi malilimutan ang naging pagganap ng dalawa sa teleseryeng Mara Clara (2010), kung saan sila nagkasama nang matagal at naging magkaibigan; at sa pelikulang Way Back Home (2011), na umantig sa napakaraming manonood.

“Hope you could make another movie/serye with Kathryn. We miss seeing you together,” saad sa caption ng litrato.

Bukod sa parehong mahusay na aktres, malaki rin ang naitutulong ng pagkakaibigan nila sa mga proyektong kanilang ginagawa dahil talaga raw tinutulungan nila ang isa’t isa sa mga nagiging eksena nila.

“Nag-start talaga ‘yong friendship namin together, Mara Clara talaga,” pagbabahagi ni Julia sa isang panayam sa telebisyon. “Kaming dalawa ‘yong magkasama. Alam namin, kilala namin ang isa’t isa, alam namin kung saan kami magtutulungan sa isa’t isa.

“Naging madali sa amin ‘yong trabaho, ‘yong mga mall show, out-of-towns kasi kami ‘yong magkasama sa lahat. Kami ‘yong original love team,” kuwento naman ni Kathryn.

Image capture from ABS-CBN’s YouTube video

Balikan! Narito ang supercut version ng pelikula nina Kathryn at Julia na Way Back Home:

Ikaw, nami-miss mo rin bang makita ang onscreen tandem nina Kathryn at Julia?


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: