Nostalgia: Gumamit ka rin ba ng ‘Composer’ para magkaroon ng ringtone na kanta?

  • Isa ang “Composer” sa mga paboritong feature noon sa mga naunang model ng mobile phone
  • Dito ay nakagagawa ng sarili nilang ringtone ang mga tao: maaaring nakatono sa isang kanta at puwede rin naman gumawa ng orihinal na tunog
  • Sa sobrang popular nito, may mga ibinebenta pa noon na libro na magagamit bilang gabay para sa mga nais mag-compose ng ringtone 

Nagkahilig ka rin ba sa pagko-compose ng ringtone sa luma mong mobile phone?

Image via Batang Pinoy – Ngayon at Noon. | Facebook

Isa ang “Composer” sa mga paboritong feature noon sa mga naunang model ng mobile phone. Dito ay nakagagawa ng sarili nilang ringtone ang may-ari ng device; maaaring nakatono sa isang kanta at puwede rin namang gumawa ng orihinal na tunog.

Sa sobrang popular nito, may mga ibinebenta pa noon na libro na magagamit bilang gabay para sa mga nais mag-compose ng ringtone. May mga pahayagan din noon na may espasyo para rito.

Ang mga panahong ito ang binalikan ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon. sa isa sa mga recent post nito — isang larawan na nagbalik din ng maraming alaala ng mga social media users.

“Iyong isinusulat ko sa notebook ko ang mga notes iyan para may iba iba akong ringtone,” kumento ng Facebook user na ang pangalan ay Kdrama Heartt.

“Hahaha ang saya mag-compose!  Naghahanap ako sa mga dyaryo noon o kaya kopyahin ko ‘yong sa friend ko. Hahaha!” kuwento ni Jade Alcazar.

“I love that! Gumagawa rin ako ng sarili kong ringtone,” pagbabahagi naman ni Jhenn Cuyugan

Image via Cha Echaluce

Nahilig ka rin ba sa pagko-compose ng ringtone sa luma mong mobile phone? Bumili ka ba ng mga libro o ng mga dyaryo na magagamit mo para makagawa ng ringtone? May mga alaala rin ba itong ibinalik sa iyo?

Ibahagi sa amin ang iyong kuwento at sama-sama tayong bumalik sa masaya at makulay na kahapon!

Source: Facebook


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: