Nostalgia: Ang old school paper dolls na ginagawa lang noon ng mga bata

Image via Batang Pinoy - Ngayon at Noon. | Facebook
  • Bago pa man nauso ang paper dolls na nakasunod sa imahe ng mga cartoon character at artista, nauna nang nagkaroon ng paper dolls ang mga batang Pinoy
  • Mula sa simpleng papel ay gumagawa noon ng manyika ang mga bata; lumilikha rin sila ng disenyo ng damit para isuot sa mga ito
  • Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon., bumalik ang marami sa panahon ng kanilang old school paper dolls

Gumawa ka rin ba noon ng manyikang papel?

Image via Batang Pinoy – Ngayon at Noon. | Facebook

Bago pa man nauso ang paper dolls na nakasunod sa imahe ng mga cartoon character at artista, nauna nang nagkaroon ng paper dolls ang mga batang Pinoy. Mula lamang sa simpleng papel ay gumagawa noon ng manyika ang mga bata; lumilikha rin sila ng disenyo ng damit para isuot sa mga ito.

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, bumalik ang marami sa panahon ng kanilang old school paper dolls; sa mga alaala, sa mga simpleng bagay na nagbibigay ng labis na tuwa.

“Naaalala mo pa ba ang paper doll mo noong bata ka pa?” tanong ng admin ng page na si Basha.

Agad namang nagbahagi ng kanya-kanya nilang mga alaala ang mga “young once” na followers nito.

“Kinukulayan ko pa. Ang sarap balikan ang past, mga panahong walang pressure,” kumento ng social media user na si Lyn Datu.

“Oo naman, usong-uso ‘yan. Gumagawa ako niyan, s’yempre wala naman akong walking doll noong araw, kaya kahit sa papel lang e nagkaroon ako ng doll,” ani Sarah Jane Montalban-Lee.

Image capture from Facebook

Ikaw, isa ka ba sa mga gumawa ng manyikang papel noon? Naitabi mo pa ba ang ilan sa mga old school paper dolls na ito? O isa ka na sa mga magulang, tito o tita, na gumagawa nito para sa mga bata sa pamilya?