Nostalgia: Ang old school na lata ng Fita at ang mga kakabit nitong alaala

  • Binalikan ng netizens ang mga gamit noon sa kanila na old school na lata ng biskwit 
  • Sa Facebook group na Alaala ng mga Larawang Kupas, ibinahagi ng netizen na si Leina Agbayani‎ ang litrato ng lata ng nasabing biskwit
  • Pagbabahagi niya, kahit maubos pa ang laman nito ay mayroon pa rin itong gamit

Napakasarap maging bata. Kaya nilang pagkuhanan ng tuwa maging mga pinakasimpleng bagay — katulad na lamang ng latang sisidlan ng biskwit na kahit wala nang laman ay nagkakaroon pa rin sa kanila ng gamit.

Image via Pixabay

Sa Facebook group na Alaala ng mga Larawang Kupas, ibinahagi ng netizen na si Leina Agbayani‎ ang litrato ng old school na lata ng nasabing biskwit; na ngayon ay nasa plastik na sisidlan na nakalagay. Kuwento ng nag-post, kahit maubos pa ang laman ng lata na ito ay mayroon pa rin itong gamit para sa mga paslit na kagaya niya noon.

“Naalala ko noon na kapag isinasama ako sa grocery ay palagi akong nagpapabili ng Fita pero ang totoo ay hindi ko ito kinakain. Ang lata na may drawing ang gusto ko then lalagyan ko ng luto-lutuan na laruan,” pagbabahagi niya sa caption ng larawan na ibinahagi niya sa grupo.

Dito ay binalikan na rin ng ibang mga social media user ang mga alaalang ibinabalik sa kanila ng lata.

“Kung pagbukas mo sa lalagyan ng ice cream ay tilapia ang laman, sa pita naman pako ang makikita mo,” saad ng Facebook user na si Carlo Golloso.

“‘Yan ang madalas na pasalubong ng mga umuuwi ng province para malaman galing ka Maynila. Sikat ka na ‘pag may bitbit ka niyan!” pagbabalik-tanaw ni Elizabeth N. Tilos.

“Need mo pa ang kutsara para mabuksan,” pag-aalaala ni Puring Valdez Parriño Santiago.

“Ginagawa rin itong mala-sewing box ng lola namin noon; sisidlan ng mga karayom, sinulid, panggupit, butones, hook and eye at iba pa,” pagbabahagi naman ng aming tinatawag na Mommyjoyce ngayon. Dagdag pa niya, laging may silbi ang mga sisidlan noong araw kaya hindi ito itinatapon agad kapag naubos na ang orihinal na laman.

Image capture from Facebook

Ikaw, ano ang naaalala mo sa old school na lata na ito?

Source: Facebook


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: