Nostalgia: Ang mga alaalang ibinabalik ng klasik na upuan sa silid-aralan

Image via Batang Pinoy - Ngayon at Noon. | Facebook
  • Bukod sa mga leksyon, guro, at kaklase, bahagi rin ng buhay ng mga estudyante ang iba’t ibang bagay na matatagpuan sa paaralan
  • Sa Facebook, nagbahagi ang page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon. ng litrato ng mga klasik na school desk na ginamit ng maraming elementary students noon
  • Bumalik sa nakaraan ang maraming social media users

Natatandaan mo pa ba ang klasik na upuan sa silid-aralan ninyo noong nasa elementary ka pa lamang?

Image capture from Facebook

Sa Facebook, nagbahagi ang page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon. ng litrato ng mga klasik na school desk na ginamit ng maraming estudyante sa elementarya noon.

“Elementary days! Daming memories ng upuan na ito!” saad ng admin ng page sa caption ng litrato ng mga lumang upuan. Dahil sa post na ito, bumalik sa nakaraan ang maraming social media users.

“Naalala ko, ginagawa naming higaan ‘to para idikit ‘yong dalawang desk,” pagbabalik-tanaw ng Facebook user na si Krizia Rivera Mangila.

“Yan upuan noong araw. Pinaghihiwalay ni titser. ‘Pag madaldal ka, katabi mo tahimik. Kapag madaldal ka pa rin, ilalagay ka sa harapan para makita ni titser,” pag-aalaala ni Ester Placido Sarmiento.

“Grabeng memories sa ‘kin ng upuan na ‘to! Sa sobrang memorable nito, iniuwi ko pa ang isang tulad niyan sa bahay hahaha!” natatawang sabi ni KrizAngie Odzki.

“Elementary days. Sa ilalim ng desk, inilalagay ko ang baon kong tinapay. Panay ang subo ko kapag hindi nakatingin si Ma’am. ‘Pag recesss, wala na akong makain, ubos na,” kuwento ni Teresita Rodulfo.

Image capture from Facebook

As of posting, nakakuha na ng lampas 4,000 shares at mahigit 31,ooo reactions ang nasabing post.

Ikaw, kabilang ka ba sa mga may mga hindi makalilimutang alaala na may kinalaman sa mga old school na wooden desk? Ibahagi ang iyong kuwento sa comments section ng post na ito!