Nanay moments: Ina Raymundo, naging emosyonal sa natutulog na anak na si Jakob

  • Naging emosyonal si Ina Raymundo sa isang bidyo na kaniyang ibinahagi sa kaniyang Instagram account
  • Sa bidyo na ito ay makikitang natutulog ang anak niyang si Jakob habang si Ina naman ay nakaupo sa tabi nito
  • Sa caption ng bidyo, sinabi ni Ina na naging emosyonal siya dahil hindi siya makapaniwalang malaki na ang anak na inaalala niyang maliit pa noon
Imahe mula kay Ina Raymundo via Instagram

There is an enduring tenderness in the love of a mother to a son that transcends all other affections of the heart.”

Bawat magulang ay hinahangad ang lahat ng magagandang bagay sa mundo para sa kanilang anak.

Sa pagitan ng ina at ama, ang una ang pinaka-emosyonal pagdating sa mga anak. Marahil, ito ay dahil sa ang mga ina ang nagdala sa kanilang sinapupunan ng mahigit siyam na buwan, at sila rin ang nagluwal sa mga ito dito sa mundo.

Kaya naman hindi maipagkakailang lubos ang pagmamahal ng mga ina pagdating sa kanilang anak, mapalalaki man ito o babae.

Kaya naman hindi rin nakabibigla kung ang mga ina ay maging emosyonal paminsan-minsan kapag nakikita nila ang kanilang mga anak na noon ay sanggol pa lamang ngunit habang tumatagal ay nag-iiba na rin ang hitsura at paggalaw.

Imahe mula kay Ina Raymundo via Instagram

Ito ang hindi ikinahiyang ipinakita ng aktres na si Ina Raymundo sa isang bidyo na kaniyang inupload sa Instagram. Sa bidyo kasi na ito ay makikita ang emosyonal na si Ina habang pinagmamasdan ang nag-iisang anak na lalaki na si Jakob Poturnak.

Lubos na ipinagmamalaki ni Ina ang lahat ng kaniyang mga anak na ipino-post sa kaniyang IG account. Mga litrato at bidyo ng limang mga anak ang palaging makikitang ibinabahagi ng aktres.

Iclick ang imahe para mapanood ang video mula kay Ina Raymundo | Instagram

Ngunit kamakailan, isang bidyo ang umantig sa mga followers ni Ina. Makikita kasi sa bidyo na ito na emosyonal si Ina habang pinagmamasdan ang anak na si Jakob na natutulog.

Nilagyan ito ng caption na: Bittersweet. I see my 15 year old son, my only boy, who’s way taller than me now, muscular, his voice is deep and his legs are so hairy. Then I remember him as my cute, little, mama’s boy. It makes me cry.

Ayon pa kay Ina, ang suot niyang damit sa bidyo ay pinagliitan umano ni Jakob, na ngayon ay mas matangkad na sa kaniya at maski sa panganay na anak na si Erika.

Matatandaang unang nag-viral si Jakob matapos magbahagi ni Ina ng litrato niya sa kaniyang IG. Si Jakob ang pangalawa sa limang anak ni Ina sa Canadian na si Brian Portunak.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: