Nanay, may nakaaaliw na review sa biniling damit para sa anak

Imahe mula kay Teng Santana via Facebook
  • Kinaaaliwan ngayon ang post ng isang nanay tungkol sa binili niyang damit sa isang online shopping site
  • Ang damit kasi na ito na para sa kaniyang anak ay hindi kasya, at kasya lamang sa manyika
  • Ayon naman sa bumili, dapat ay eksakto lamang ang mga damit sa isang taong gulang niyang anak dahil ang mga ito ay para sa 12 hanggang 36 months na bata
Imahe mula kay Teng Santana via Facebook

Hindi na bago para sa mga netizens na bumibili sa mga online shopping sites ang isyu kapag natanggap na nila ang mismong produkto.

Laganap na sa mga social media ang mga posts ng mga customer na bumili ng produkto sa online shopping at naloko dahil hindi iyon mismo ang kanilang natanggap o malayo sa hitsura sa picture kumpara sa personal ang produkto.

Marami man ang hindi natutuwa sa tuwing mali o hindi maganda ang produktong kanilang natanggap sa online shopping site, mayroon din namang dinadaan na lang sa aliw ang pagrereklamo sa natanggap na produkto.

Imahe mula kay Teng Santana via Facebook

Katulad ng isang nanay na kamakailan ay nag-viral ang post matapos nitong bumili sa isang online shopping website.

Sa post ng netizen na si Teng Santana, ibinahagi niya ang mga larawan ng biniling pajama para sa kaniyang maliit na anak.

Makikita sa description ng produkto na ito ay pambata. Ngunit pagkatanggap ng pajama ay sobrang liit nito sa anak ni Santana.

Tipong ang mga baby pajama na ibinenta sa online shopping site na ito ay kasya lamang sa mga manyika. Nang ipasuot ni Santana ang mga pajama na ito ay ni hindi pa maitaas hanggang sa tuhod ng kaniyang anak dahil sa sobrang liit.

Imahe mula kay Teng Santana via Facebook

Ang post ay nilagyan ni Santana ng caption na: Thank you Lazada! Buti na lang may manika yung anak ko kumasya sa kanya

Ayon kay Santana, ang mga pajamang kaniyang binili ay para  umano sa mga batang 12 hanggang 36 na buwan. Ngunit hindi naman nagkasya sa kaniyang anak na isang taon na. Maidadaan mo na lang talaga sa iling at tawa ang naunsiyami mong order minsan.

Ang post na ito ay mayroon nang mahigit 10,000 reactions sa Facebook at 12,000 shares.