Memory lane: Paano ka kumain ng 90s favorite na Iced Gem?

  • Kasing tamis at kasing kulay ng 90s favorite na Iced Gem ang mga alaalang ibinabalik ng classic na biscuit na ito
  • Sa post ng Batang Pinoy – Ngayon at Noon, sinariwa ng social media users ang mga alaalang kakabit na ng pagkaing ito na malaking parte ng kabataan ng marami
  • Binalikan din ng marami kung paano sila kumain nito at kung anong kulay ang inuuna o ihinuhuli nila

Naging paborito mo rin ba noon ang biscuit na Iced Gem?

Image capture from Facebook

Kasing tamis at kasing kulay ng 90s favorite na Iced Gem ang mga alaalang ibinabalik ng classic na biscuit na ito: madalas na binabaon sa eskwela, kabilang sa mga pagkaing inihahain sa bahay-bahayan, at isa sa palaging bida sa tuwing merienda.

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, sinariwa ng social media users ang mga alaalang kakabit na ng pagkaing ito na malaking parte ng kabataan ng marami. Kabilang sa mga binalikan nila ay kung paano sila kumain nito at kung anong kulay ang inuuna o ihinuhuli nila.

Tanong ng admin ng page, “Ginawa mo rin ba ito? ‘Yong kakainin mo muna biscuit tapos iipunin mo ‘yong nasa ibabaw?” Kuwento ng karamihan, katulad ng nakasaad sa post ng page, “save the best for last” din ang sistema nila. Isa-isa muna nilang aalisin ang nasa ibabaw at itatabi sa isang lalagyan, pagkatapos ay kakainin muna isa-isa ang pinagdikitan ng mga ito.

Ang iba naman daw ay nagmamadali sa tinatawag nilang “best part” at kinakain na kaagad ang matamis na topping sa ibabaw ng bawat biscuit.

Image via Iced Gem | Facebook

Samantala, naging libangan din daw ng iba na pagsama-samahin muna ang magkakakulay at saka sila mamimili ng uunahin nila. Kinokonsidera din daw nila ang paborito nilang kulay sa pagkain ng Iced Gem. Ang iba ay inihuhuli ito, habang ang iba naman ay ito ang inuuna.

Ikaw, anong sistema o alaala ang maibabahagi mo tungkol sa classic biscuit na Iced Gem? Hanggang ngayon ba ay paborito mo pa rin ito? Pagkuwentuhan natin iyan dito!


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: