Memory lane: Nakagamit ka ba ng lip gloss na usong-uso noon sa mga teenager?

Image capture from Facebook
  • Usong-uso sa mga teenager noong 1990s ang paggamit ng lip gloss na mayroong flavor at abot-kamay lamang ang presyo
  • Nakabase sa kulay ng prutas ang lalagyan nito; ganoon din ang lasa ng laman
  • Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, bumalik sa kahapon ang mga kabataan noong 1990s at early 2000s na gumamit daw ng mga ito bilang pampaganda

Gumagamit ka rin ba noon ng mga lip gloss na lasang prutas?

Image capture from Facebook

Usong-uso noon sa mga teenager noong 1990s ang paggamit ng lip gloss na mayroong flavor. Nakabase sa kulay ng prutas ang lalagyan nito; ganoon din ang lasa ng laman. Iba’t ibang klase ito; may strawberry, may pineapple, may orange, at iba pa. At higit sa lahat, abot-kamay lamang ang presyo kaya saktong-sakto sa mga tumatangkilik ng mga ito na karamihan ay mga estudyante pa lamang.

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, ikinumpara ang mga ito sa lip tint na usong-uso naman sa mga teenager sa kasalukuyang panahon. Dito ay bumalik din sa kahapon ang mga kabataan noong 1990s at early 2000s na gumamit daw ng mga ito bilang pampaganda.

“Naalala ko noong high school. Third year kami noon. Kapag malapit na mag-time sa last subject namin, naka-ready na baby powder at lip gloss ng grupo,” pagbabahagi ng Facebook user na si Elenita Miranda.

“P8 noong high school ako. Ito gamit ng karamihan dati, bawal ang may kulay at lipstick noon,” ani Jorie Diaz Condes.

“Gusto ko riyan ‘yong green para super pula ng labi. Kahit walang pambili ng pagkain basta may pambili ng lip gloss,” pagbabalik-tanaw ni Enitsirc Landicho.

Image capture from Facebook

Ikaw, gkahilig ka rin ba sa mga lip gloss na ito? Ano-ano ang mga naaalala mo sa mga old school na pampagandang ito? Ibahagi ang iyong kuwento sa comments section!