Memory lane: Humiling ka rin ba sa ‘wishing flowers’ para matupad ang iyong ninanais?

Image via Batang Pinoy - Ngayon at Noon. | Facebook
  • Popular sa mga bata noon ang paghiling sa tinatawag nilang “wishing flowers”
  • Ang wishing flowers ay ang mga maliliit at magagaang na puting bulaklak na kayang-kayang tangayin ng hangin at ilipad kung saan-saan
  • Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, binalikan ng social media users ang mga hiniling nila noon sa wishing flowers

Natatandaan mo pa ba ang mga maliliit at magagaang puting bulaklak na tinatawag mong “wishing flowers” o “wish” at binubulungan ng mga kahilingan noong bata ka pa?

Image capture from Facebook

Popular sa mga bata noon ang paghiling sa tinatawag nilang “wishing flowers”; mga magagaan na bulaklak na kayang-kayang tangayin ng hangin at ilipad kung saan-saan. Mayroon ding tinatawag itong ‘balahibong-pusa’.

Simple lang ang ginagawa dito. Kinukuha lamang ang mga lumilipad na bulaklak, ibubulong dito ang minimithi, at pagkatapos ay hihipan ito hanggang sa lumipad muli; dala ang pag-asa na matutupad ang kanilang hiniling.

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, binalikan ng social media users ang mga hiniling nila noon sa wishing flowers.

“Ang wish ko po noon magkaasawa ng masipag pero sobra-sobra po ibinigay sa akin. Wish granted,” pagbabahagi ng Facebook user na si Concep Quijano Araracap.

“Ito ‘yong sinaunang paasa. Humiling ako ng Power Rangers diyan pero hanggang ngayon wala pa,” kumento ni Alexis Lucas Bacolor.

“Na sana sunduin na ako ni Mama sa house ng auntie ko. After ilang hours, dumating ang mama ko. It becomes true when you believe,” wika ni Shae Del.

Image capture from Facebook

Samantala, ang iba naman daw ay hindi raw talaga naniniwala na nagagawa nitong tumupad ng mga kahiligan. Gayunman, ginawa rin daw nitong masaya ang kanilang kabataan dahil napakagandang tanawin ang nalilikha ng mga ito kapag hinihipan at hinahayaang lumipad at tangayin ng hangin.

Ikaw, humihiling ka rin ba sa “wishing flowers” na ito? O isa ka sa mga natuwa habang pinaglalaruan ang mga ito? Sa huli, natutupad man ang mga hiling o hindi –humiling ka man o naglaro– ang pinakamahalaga pa rin ay ang masasayang karanasan mo dahil sa mga ito.