Memory lane: Ang 90s favorite sweetened milk powder na Mik-Mik

Image via Batang Pinoy - Ngayon at Noon. | Facebook
  • Patok na patok noon sa mga batang 90s ang sweetened milk powder na Mik-Mik
  • Mabibili sa presyong kayang-kaya ng mga bata noong dekada 90, mayroon itong iba’t ibang flavors: milk, chocolate, at ube
  • Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon., binalikan ng mga social media user ang mga alaalang nakakabit dito  

Isa ka rin ba sa mga batang tumangkilik ng sweetened milk powder na Mik-Mik noong dekada 90?

Image via Pixabay

Patok na patok noon sa mga batang 90s ang sweetened milk powder na Mik-Mik. Mabibili sa presyong kayang-kaya ng mga bata noong dekada 90, mayroon itong iba’t ibang flavors: milk, chocolate, at ube. Kahit minsan ay nakasasamid o nakauubo, gustong-gusto pa rin ito ng marami noon.

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon., binalikan ng mga social media user ang mga alaalang nakakabit sa patok na pambatang pagkaing ito.

“‘Di ko mabilang ang dami ng beses na nasamid ako riyan,” kumento ng netizen na si Alice Ronario.

“Kada kain ko nito hindi talaga puwedeng hindi ako maubo,” pagbabahagi ni Rina Samus.

“‘Yong ‘di ako pinaglaro dahil akala may hika ako. Hahahaha nasamid lang naman!” kuwento ni Beth Garcia Velasquez.

Masarap naman daw kasi ang lasa kaya walang problema kung masamid sila o maubo. Sa katunayan, nakadadagdag pa raw ito ng saya. Bukod pa rito, murang-mura rin ang halaga ng pagkaing ito.

Image capture from Facebook

Pagbabahagi ng iba, naabutan pa raw nila ito na ipinagbibili sa halagang limampung sentimo, hanggang sa naging piso isa na ang bentan. Gayunman, kayang-kaya pa rin naman daw nila itong bilhin gamit ang kani-kanilang mga baong pera at madali pa rin silang napagbibigyan kapag humihingi sa magulang nila.

Sa kasalukuyan ay bihira nang makakita ng Mik-Mik kaya naman kung hilig mo ito at may nasaktuhan ka na nagtitinda nito, mas mainam kung damihan mo na ang iyong bibilhin.

Source: Facebook