Memories! Juice at nata de coco sa sachet, pinatamis ang kabataan ng mga batang 90s

Image via Batang Pinoy - Ngayon at Noon. | Facebook
  • Noong dekada 90, ‘di kailangan ng malaking pera para makabili ng pagkain o inumin
  • Kabilang sa mga murang mabibili sa tindahan ay ang fruit juice at nata de coco na nakalagay sa isang maliit na sachet at ibinebenta pagkatapos palamigin sa ref
  • Sa post ng Batang Pinoy – Ngayon at Noon, binalikan ng social media users ang mga panahong napapasaya na sila ng mga simple at abot-kayang inumin at pagkaing ito

Mura ang mga bilihin noong dekada 90–kaya naman hindi malaking pera ang kailangan para makabili ng pagkain o inumin. Ang sobrang baon ng mga bata sa eskwela, malayo na rin ang puwedeng marating.

Image capture from Facebook

Kabilang sa mga murang mabibili sa tindahan ay ang fruit juice at nata de coco na nakalagay sa isang maliit na sachet at ibinebenta pagkatapos palamigin sa refrigerator. Sa post ng Batang Pinoy – Ngayon at Noon, binalikan ng social media users ang mga panahong napapasaya na sila ng mga simple at abot-kayang inumin at pagkaing ito.

“It reminds me of the time when I was in grade school. After mag-Chinese garter, palamig,” wika ng Facebook user na si Celmari F. De Mesa.

“Lahat masarap. Tinda ni Mama ‘yon pero kami lang ng kapatid ko nakakaubos. ‘Pag may bumili sasabihin namin wala na dahil kumbaga naka-reserve na sa amin,” kuwento ni Ai Caturan.

“Nata ang paborito namin, ‘yan noon ‘yong orange flavor. Ubos baon ko riyan,” ani EL Jh Ay.

Pagbabahagi naman ni Tisha Flores, “Minsan lang makatikim niyan kasi mahirap talaga kami. But now, afford ko na ang mga mamahaling fruit juices para sa family ko. Lahat ng hindi ko natikman, binibigay ko sa kanila. Thanks, God.”

Image capture from Facebook

Ikaw, nahilig ka rin bang bumili nito noon? Anong paboriton mong flavor? Nakakailan ka nito sa isang upuan? Ibahagi ang iyong kuwento sa comments section!