Memories: Bago nauso ang pagpapalitan ng text messages, una silang kinilig sa love letters

Image via Batang Pinoy - Ngayon at Noon. | Facebook
  • Noong panahong wala pang cellphone, usong-uso ang pagpapalitan ng love letters sa mga high school students
  • Gamit ang mga pahina ng kuwaderno o ang papel na ginagamit sa paaralan, mga sulat ang naging daan para sa mga kuwento ng pagmamahalan
  • Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, inalala ng marami kung paano naging bahagi ang love letters sa istorya ng kanilang “young love”

Gumawa ka rin ba noon ng love letters? Nakipagsulatan ka rin ba noon sa iyong iniibig?

Image capture from Facebook

Noong panahong wala pang cellphone, usong-uso ang pagpapalitan ng love letters sa mga high school students. Gamit ang mga pahina ng kuwaderno o ang papel na ginagamit sa paaralan, mga sulat ang naging daan para magsimula at matapos ang mga kuwento ng pagmamahalan.

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, inalala ng marami kung paano naging bahagi ang love letters sa istorya ng kanilang “young love”.

“Iba’t ibang klase ng folds for love letter ‘Smile before you open’. Iyong iaabot mo na lang pero nagbago isip mo kaya nagtatakbo ka na lang sa hiya! Ah, memories!” pag-aalaala ni Lee Yah Mi Villaruz.

“Naku, napurnada naman ‘yong gan’yan ko noong high school kasi pinakialaman ‘yong bag ko ng friend ko tapos binasa n’ya. Pagkatapos niyang basahin, binigay niya sa crush ko. Then, reply niya, friends lang kami,” pagbabahagi ni Ferdz Velasquez.

“High school memories never fades! Nakakatuwa balikan. I used to receive those letters, tapos initial lang ng nagpadala ang nakalagay. Gagawin ka pang manghuhula,” kuwento ni Qu Een.

Image capture from Facebook

Ang sarap balikan ng panahong ito, hindi ba? Iyong maliliit na bagay at matatamis na salitang nagpapakilig nang sobra sa bata mong puso. Iyong mga sandaling maging ang pag-ibig ay hindi pa ganoon kakumplikado. Ikaw, napangiti ka rin ba habang bumabalik sa mga sandali ng high school love letters? Naisipan mo ba biglang basahin ang mga naitago mo pa sa iyong kuwarto?