Masunuring ina: Birthday cake na ‘HBD XD’ lang ang nakalagay, kinaaliwan sa social media

  • Kinaaliwan sa social media ang kuwento sa likod ng dedication sa cake para sa kaarawan ng isang babae
  • Sa Facebook, ibinahagi ng netizen na si Allie Anne Benzene ang screenshot ng messages nila ng kanyang ina na nagtatanong kung anong ilalagay sa dedication 
  • Biniro niya ito na “HBD XD”; laking gulat niya na ito nga ang nakasulat sa cake

“Happy birthday, *pangalan ng may kaarawan*!” ang madalas na mensaheng ipinalalagay sa mga dedication cake para sa isang taong nagdiriwang ng araw ng kanyang kapanganakan.

Image capture from Facebook

Pero kamakailan, nag-viral sa Facebook ang isang dedication cake na may hindi pangkaraniwang mensahe. Sa halip na ang kadalasang mensahe sa birthday cake, “HBD XD” ang nakalagay dito.

Sa screenshot ng conversation nila ng kanyang ina, mababasa na nagtatanong ang ina kung ano ang ilalagay sa dedication sa cake para sa espesyal na araw niya. Biniro niya ito na “HBD XD”; ang ibig sabihin ng HBD ay “happy birthday”, habang ang “XD” naman ay isang klase ng nakatawang emoticon.

“‘Nak, nandito na ako sa Goldilocks. Ano gusto mo isulat sa cake?” tanong nito sa kanya.

Ang tugon naman niya, “Kahit ano, Ma.”

Gayunman, nagtanong pa rin ito sa kanya dahil tinatanong na raw ito ng maglalagay ng dedikasyon kung ano ang iusulat sa cake. Dito ay biniro niya na ito na “HBD XD” na lang ang ipalagay.

Laking gulat ng may kaarawan noong dumating ito at ipakita ang cake sa kanya na iyong nga ang nakalagay. Ibinahagi niya ito sa social media at sinabing,  “Sige po. Salamat, Mama. xD.”

Image capture from Facebook

As of posting, nakakuha na ng lampas 27,000 reactions at 31,000 shares ang post ng may kaarawan. Nakakuha na rin ito ng daan-daang kumento mula sa social media users.

Higit sa lahat, marami na itong napasaya at napatawa simula noong mai-post ito. Isa ka ba sa kanila?


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: