Mahihirap na pamilya sa Istanbul, nagpapasalamat sa misteryosong taong nagbabayad ng kanilang mga utang

Images via YouTube videos
  • Nagpapasalamat ang mga mahihirap na pamilya sa Istanbul, Turkey sa patuloy na pagtulong sa kanila ng isang misteryosong tao
  • Nagugulat na lamang daw sila na bigla na lamang may sobre ng pera sa labas ng kanilang pintuan na naglalaman ng pambayad nila sa kanilang mga ipinalista sa grocery stores
  • Pagbabahagi ng isang may-ari, may dumating sa kanyang tindahan at hiniling na ipakita niya ang listahan ng mga pautang

Sabi nila, kung bukal sa loob ang iyong pagtulong, hindi mo na ito kailangang ipaalam pa.

Image capture from Show Ana Haber’s video | YouTube

Labis ang pasasalamat ng mga mahihirap na pamilya sa Istanbul, Turkey sa patuloy na pagtulong sa kanila ng isang misteryosong tao na nagbabayad sa mga utang nila. Anila, nagugulat na lamang sila sa tuwing matatagpuan ang isang sobre ng pera sa labas ng kanilang pintuan; isang sobre na ang laman ay ang pambayad nila sa kanilang mga ipinalista.

At kamakailan, bigla na lamang may dumating sa isang grocery store at hiniling sa may-ari na ipakita sa kanya ang listahan ng kanyang mga pautang. Sa pagkakataong iyon, balak pala ng misteryosong lalaki na sadyain ang mga taong ito upang kausapin at bigyan pa ng karagdagang pera na panggastos.

“Someone came and asked me to show him the notebook where I record customers’ debt. There were four people with large amounts outstanding and I told him where they live. He came back again after talking to them and paid all the debts. I also learned he gave extra cash to those families,” saad ng may-ari sa isang panayam.

Image capture from atv Haber’s video | YouTube

[May dumating at hiniling sa akin na ipakita ko sa kanya ang notebook na naglalaman ng mga record ko. Mayroong apat na tao na malaki na ang kailangang bayaran, at sinabi ko sa kanya kung saan sila nakatira. Bumalik siya pagkatapos silang makausap at binayaran ang mga utang nila. Nalaman ko rin na binigyan niya ang mga ito ng ekstrang pera.]

Nang tanunin daw niya ang pangalan nito, ang tugon lamang sa kanya, “Just call me Robin Hood.”