‘Mahal na mahal kita’: Birthday message ni Angeline para sa sarili, umantig ng maraming puso

  • Naantig at nakakuha ng inspirasyon ang marami sa birthday message ni Kapamilya star Angeline Quinto para sa kanyang sarili
  • Sa isang Instagram post na ibinahagi niya nang magdiwang ng kaarawan kamakailan, isinalaysay ng singer-actress kung paano hindi naging madali para sa kanya ang daan patungo sa mga pangarap
  • Sa huli, sinabi niya sa sarili na ipinagmamalaki at mahal na mahal niya ito

Karaniwan tayong nakatatanggap ng birthday message mula sa ating mga kamag-anak, kaibigan, at iba pang kakilala–ngunit nagawa mo na bang bumuo ng mensahe para sa iyong sarili habang nagdiriwang ng kaarawan?

Image via @loveangelinequinto | Instagram

Naantig at nakakuha ng inspirasyon ang marami sa birthday message ni Angeline Quinto para sa kanyang sarili

Sa isang Instagram post na ibinahagi niya nang magdiwang ng kaarawan kamakailan, isinalaysay ng singer-actress kung paano hindi naging madali para sa kanya ang daan patungo sa mga pangarap.

“Bilib ako sa tapang mo, pinatunayan mo na kapag may pangarap ka, hindi hadlang ang kahirapan at ang pagkatalo sa buhay. Matalo ka man nang napakaraming beses, hinarap mo lahat para sa pamilya at sa napakalaking pangarap mo. Ganiyang-ganiyan ka nagsimula, batang kalye, naranasang maging madungis noong kabataan,” wika niya sa caption ng kanyang larawan noong bata pa at payak ang pamumuhay.

“Dahil ang gusto lang ay kumanta, hindi ka titigil sa mga amateur singing contest hanggang walang naiuuwing pera para maipagmalaki kay Mama Bob. Ganoon ka kapursigido noon kahit may iba na hindi naniwala sayo. Tiwala sa sarili ang pinanghawakan mo. Palagi mong sinasabi sa sarili mo, ‘Napakalaki ng pangarap ko, gagawin ko itong totoo,” pagpapatuloy ng Kapamilya star.

Image capture from Instagram

Sa huli, sinabi niya sa kanyang sarili na ipinamamalaki at mahal na mahal niya ito.

“Mabuhay ka. At palagi mo sanang maalala kung bakit at paano ka nag-umpisa. At sana alam mo na proud na proud ako sa iyo at ipinagmamalaki kita,” aniya. “Mahal na mahal kita.”


Loading...
Source :

Instagram

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: