Magpapasko na! Mga alaalang kakabit ng Pinoy favorite na bibingka, sinariwa

  • Malapit na naman sumapit ang Kapaskuhan
  • Sa Facebook, ibinahagi ng page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon. ang larawan ng isa sa mga paboritong kainin ng mga Pinoy kapag Christmas season, ang bibingka
  • Bukod sa natakam, binalikan din ng mga social media user ang mga alaalang kakabit ng bibingka, na isa sa mga kumukumpleto sa Paskong Pinoy

Kulang-kulang 50 araw na lamang bago sumapit ang Kapaskuhan kaya naman maging sa social media ay damang-dama na ang pagdating nito.

Image capture from Facebook

Sa Facebook, ibinahagi ng page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon. ang larawan ng isa sa mga paboritong kainin ng mga Pinoy kapag Christmas season, ang bibingka. Bukod sa natakam, binalikan din ng mga social media user ang mga alaalang kakabit ng bibingka, na hindi maitatangging isa sa mga pagkaing kumukumpleto ng Paskong Pinoy.

“Nami-miss ko tuloy ang bibingka ng lolo ko. Walang kapantay ang lasa. Dami ko naman natikman na bibingka pero hindi ko nagugustuhan, hinahanap-hanap ko ‘yong linamnam ng native na bibingka ni Lolo. I miss my lolo,” pag-aalaala ni Jona Pablo Ignacio.

“Lola ko magaling magluto nito. Alam mo ba, gabi pa lamang may order na at bayad na kaya kinabukasan mga 3 a.m. o madaling-araw, nakapila na ang mga kukuha ng order nila. Ubos agad po kasi masarap ang timpla ng lola ko sa bibingka,” kuwento ni Loida Rayman.

“Nagtinda ako niyan noong 1980 when I’m still single and I’m now 66 years old. Sarap kaya niyan, sipag at tiyaga lang kailangan,” pagbabahagi naman ni Edith Gelbolingo Jacobe.

Image via Batang Pinoy – Ngayon at Noon. | Facebook

Kung mapapansin sa mga kumento, talagang sa pamilya madalas iugnay ang bibingka; lalo na at madalas ito mabili sa simbahan pagkatapos ng Simbang Gabi na isa rin sa mga ginagawa ng magkakapamilya nang sama-sama kapag panahon ng Kapaskuhan.

Ikaw, ano o sino ang ipinaaalala sa iyo ng bibingka? Ibahagi sa comments section!


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: