Libreng sayote, ipinamimigay ng isang taga-Baguio sa kaniyang mga kapitbahay

  • Kilala ang siyudad ng Baguio sa lamig ng temperatura dito kaya naman madali ang magtanim dito ng gulay at prutas
  • Isang lokal dito ang libre na lang na namimigay ng kaniyang tanim na sayote sa mga kapitbahay
  • Maraming nutrisyon ang makukuha sa pagkain ng sayote at mabisa rin ito sa pagbabawas ng timbang

Kilala ang mga Pinoy na mapagbigay lalo na sa mga sobra-sobrang bagay na mayroon tayo.

Imahe mula Freepik

Tulad na lamang sa tuwing may handaan o fiesta sa isang lugar, halos ang bawat kabahayan ay bukas para sa mga bisitang nais makikain. O minsan ay nagbibigayan ang mga mag-kapitbahay ng mga handa kapag may selebrasyon.

Naging kaugalian na nga ng mga Pinoy ang magbigay lalo na ng mga sobra-sobrang pagkain na mayroon tayo. Ito marahil ay dahil sa ayaw nating masayang ang mga pagkaing ito na maaari pang makain ng ibang tao.

Kaya naman sa siyudad ng Baguio, ang Summer Capital of the Philippines, libre na lamang na ipinamimigay ng isang lokal dito ang mga sayote sa kaniyang bakuran.

Sa post na ibinahagi ng GMA News sa kanilang Facebook page, nakuhanan ng isang netizen ng larawan ang ipinamimigay na sayote ng kanilang kapitbahay. Ayon kay Carlo Galutan, ang kapitbahay niyang si Alfonso Pinengew ay mayroon umanong taniman sa kaniyang bakuran ng mga gulay at prutas.

Imahe mula Freepik

Kilala rin daw ito na namimigay ng mga tanim na gulay at prutas sa kanilang lugar sa Barangay Camp 7 sa Baguio City.

Ang post na ito ay mayroong halos 48,000 reactions sa Facebook at maraming netizens ang natutuwa sa pagiging mapagbigay ni Pinengew.

Maraming makikitang sayote, o chayote sa Ingles, sa lugar ng Baguio dahil sa malamig na klima dito. Madali ang magtanim at magpabunga ng mga gulay at prutas tulad ng sayote.

Ang sayote ay puno ng nutrisyon tulad ng magnesium, dietary fiber, phosphorus, potassium, at vitamin C.

Mabisa ang pagkain ng sayote dahil nakatutulong ito upang makapagbawas ng timbang dahil wala itong cholesterol. Kaya naman hindi lang nagiging mapagbigay si Pinengew, kundi tinutulungan din niyang maging malusog ang mga kapitbahay.

Imahe mula kay Carlo Galutan via GMA News Facebook page

Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: