Lalaking inihinto ang motor para sumayaw sa musika, nagdala ng good vibes sa social media

Image capture from Facebook
  • Viral ngayon sa social media ang video ng isang lalaki na inihinto ang motorsiklo at sumayaw matapos makarinig ng nakaiindak na musika sa gitna ng biyahe
  • As of posting, nakakuha na ng lampas 2.9 million views ang video na ibinahagi ng Facebook page na Pinoy Trending News
  • Libo-libo na rin ang na-iwan ng kumento, mga taong napasaya ng hindi nakikilalang lalaking ito

Minsan, sa gitna ng mabilis na ikot ng mundo at nagmamadaling mga tao, kailangan mo lamang huminto, makinig sa musika, at sumayaw.

Image capture from Facebook

Viral ngayon sa social media ang video ng isang lalaki na inihinto ang motorsiklo upang sumayaw matapos makarinig ng nakaiindak na musika sa gitna ng biyahe. Aliw na aliw sa video na ito ang social media users. Nakaka-good vibes, anila.

Makikita kasi na isa lamang ordinaryong araw lamang ito sa kalsada para sa lalaki, ngunit bigla na lamang nitong itinigil ang kanyang sinasakyan nang marinig ang tugtog, at pagkatapos ay sumayaw ito na para bang hindi pinapansin kung may nanonood man at hindi alintana kung ano ang sabihin ng mga tao sa kanya.

As of posting, nakakuha na ng mahigit 32,000 shares, halos 44,000 reactions, at lampas 3 million views ang video na ibinahagi ng Facebook page na Pinoy Trending News. Libo-libo na rin ang nag-iwan ng kumento; mga taong napasaya ng hindi nakikilalang lalaking ito.

“Good vibes lagi basta Pinoy, kahit ano mang pagsubok ang dumating sa ating buhay ay nakakuha pa rin nating ngumiti, magsaya na parang walang problemang dala-dala,” sabi ng Facebook user na si C. Tiuqiram.

“Galing naman ni Kuya, napaindak talaga sa tugtog,” wika ni G. Zenitram.

“Oo nga, gusto ko rin, Kuya. Sama ako sa sayaw!” ani L. Cruz.

I-click ang imahe para mapanood ang video.

Marahil, may kanya-kanya lamang tayong paraan upang pasayahin ang ating mga sarili. Sa kaso ng lalaking ito, hindi lamang siya ang naging masaya, kung hindi ang napakaraming taong nakapanood ng kanyang biglaang “performance”.