‘Di nakalimot: Julia Montes nag-post ng pagbati kay Coco Martin

  • Sa kabila ng kontrobersiya tungkol sa kanila, nagbigay ng mensahe si Julia Montes kay Coco Martin para sa kaniyang kaarawan
  • Nag-post si Julia ng larawan ni Coco sa kaniyang Instagram account
  • Naging usap-usapan na nabuntis ni Coco si Julia at ang huli ay pumunta ng Germany ngunit kamakailan ay bumalik na si Julia dito sa Pinas

Umiigting ang haka-haka ng mga netizens na ang Kapamilya actors na sina Julia Montes at Coco Martin ay mayroong relasyon dahil sa kamakailang post ng aktres sa kaniyang social media account.

Imahe mula kay Julia Montes via Instagram

Matagal na namahinga si Julia sa showbiz at namalagi muna sa Germany kung saan naninirahan ang kaniyang ama.

Marami naman ang nagsasabing nabuntis ng aktor na si Coco si Julia, at dahil dito ay pumunta muna ang huli sa Germany upang itago ang kaniyang pagbubuntis.

Lumipad papuntang Germany ang aktres noong Oktubre 2018 habang natapos namang ipalabas ang kaniyang huling programa na Asintado sa ABS-CBN nitong Enero 2019.

Imahe mula kay Julia Montes via Instagram

Walang kinumpirmang dahilan ang aktres kung bakit siya pumuntang Germany, at naging usap-usapan lamang ang kaniyang pagbubuntis dahil sa matagal niyang pagkawala sa showbiz.

Matagal na hindi nag-post and aktres sa kaniyang Instagram account, hanggang sa nito lamang unang araw ng Nobyembre ay nagbahagi si Julia ng sweet message para sa kaniyang dating on-screen partner na si Coco.

Isang simpleng “HBD” na ang ibig sabihin ay “Happy Birthday” na may face blowing a kiss at birthday cake emojis ang nilagay na caption ni Julia sa litrato ni Coco.

Imahe mula kay Julia Montes via Instagram

Ang litratong ito ni Coco ay makikita sa hallway ng ABS-CBN main building. Makikitang limitado lamang ang mga komento sa mga litrato sa Instagram feed ni Julia.

Hindi kinukumpirma ng dalawa ang estado ng kanilang relasyon, ngunit noong Marso ay pumutok ang balitang nanganak si Julia at ang ama ng kaniyang dinadala ay si Coco.

Sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kinumpirma ng mga showbiz insiders na nanganak nga si Julia sa Cardinal Santos Medical Center at ang ama ng sanggol ay si Coco.

Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang ibinibigay na kumpirmasyon o paliwanag tungkol sa isyung ito mula kina Julia at Coco.

Sources: Instagram, PEP, ABS-CBN


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: