
- Ayon sa report ng kilalang online shopping site na Lazada, isang online shopper ang bumili sa kanilang site ng mga items na nagkakahalaga ng 1.2 million
- Marami ring online sellers ang kumita ng milyon-milyon sa katatapos lang na 11.11 sale
- Ayon pa sa datos ng site, 1 milyong produkto ang nabenta sa unang oras ng nasabing sale, habang 205 million. minutes naman ang ginugol ng maraming Pinoy sa pagtingin sa site

Na “marked safe” ka rin ba sa katatapos lang na 11.11 sale ng iba’t ibang online shopping site? O isa ka rin sa mga hindi napigilang mag- “Add to cart?”
Bago pa man sumapit ang ika-11 ng Nobyembre, kaliwa’t kanan na ang advertisements tungkol sa gaganaping 11.11 sale, kaya hindi na nakapagtataka kung maraming Pinoy ang inabangan ito.
Bukod sa nalalapit na pagtanggap nila ng 13th month pay sa trabaho, maigi ring mamili sa mga online shopping site upang ipangregalo sa Pasko at hindi rin nakakapagod at kailangang makikipagsiksikan sa matataong lugar.

Inihayag ng isa sa mga kilalang online shopping site na Lazada ang kanilang naging datos sa katatapos lang na 11.11 sale.
Isa sa mga pumukaw ng pansin sa datos na ito ay ang paggastos ng isang shopper ng mahigit 1.2 milyon pesos sa pagbili lamang ng mga produkto sa 11.11 sale ng Lazada.
Hindi pa natatapos dito ang pagtala ng milyon-milyon, dahil dumagsa na ang halos isang milyong shoppers sa Lazada at naitala rin na mahigit isang milyong produkto ang naibenta sa unang oras lamang ng sale.

Pinakamataas din ang naitalang dami ng sellers na nagbenta sa 11.11 sale ng Lazada na umabot ng 1,141,000,000.
Ayon din sa datos, ang pinakamabebentang produkto sa 11.11 sale ng site ay ang diapers (13 million), sapatos (240,000), at maleta (10,000).
Hindi man binunyag ng Lazada kung magkano at ilan lahat na produkto ang naibenta sa 11.11 sale nila, itinuring naman nila itong magandang resulta para sa paglaki ng online shopping sa bansa.
“The support of customers to this year’s sale affirm 11.11’s crucial role in driving growth for e-commerce in the country,” ani Ray Alimurung, CEO ng Lazada Philippines.
Ikaw, nakaabot ka rin ba sa sale na iyun?