‘Ice scramble lang sapat na’: Netizens binalikan ang panahong ‘di pa uso ang milk tea

  • Bago naging popular na inumin ang milk tea ay kuntento na ang mga kabataan sa pagkain ng ice scramble
  • Sa Facebook post na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, binalikan ng social media users ang matatamis na alaalang may kinalaman sa ice scramble
  • Bukod daw sa masarap, mura rin ito kaya naman napakabenta sa mga bata

Hindi maitatanggi ang pagiging popular ngayon ng inumin na milk tea; kabi-kabila ang mga cafe na nagtitinda, madalas makita sa mga post sa social media, at naging bonding na rin ng magbabarkada.

Image capture from Facebook

Sa Facebook post na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, binalikan ng social media users ang matatamis na alaalang may kinalaman sa pagkahilig nila sa pagkain noon ng ice scramble.  Bago pa naging popular na inumin ang milk tea, kuntento na noon ang mga kabataan sa pagkain ng ice scramble; na bukod sa masarap ay napakamura rin talaga.

“Nag-uunahang bumili n’yan ang mga mayayaman kong kaklase, habang kaming poor pakunwareng di kami nasasarapan. Ewan ko ba, limang piso lang naman ‘yan noong early 2000s,” pagbabahgi ng Facebook user na si Razz Al-khaimah Awatif .

“Oo naman, paborito ko ‘yan noong elementery days. ‘Pag uwian na, bibili muna ko ice scramble bago maglalakad pauwi,” kuwento naman ni Sarah Jane Montalban-Lee.

“Ice scramble. Kapag may piso ka noon mayro’n ka na niyan,” ani Ghang Qhuo Sobrevega Ever.

“Bata noong panahon, napaka-simple, ice scramble lang masaya na,” wika naman ni Ai Ram.

Image capture from Facebook

Inalala rin nila kung paano sila napapasaya ng mga dagdag na milk powder at chocolate syrup kung mabait ang nagtitinda o kung ito ang madalas nilang bilhan. Hay, mga munting bagay na nagbibigay ng tuwa sa mga bata!

Mayroon pa ring nagtitinda nito ngunit hindi na madaling makita sa labas ng mga paaralan.

Ikaw, may matatamis na alaala ka rin ba sa ice scramble?


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: