Happy memories: Netizens binalikan ang unforgettable moments sa family computer

Image capture from Facebook
  • Bago pa man nauso ang iba’t ibang modernong laro sa mga kabataan, nauna na silang pinasaya ng classic na family computer
  • Maraming pagpipilian, saktong-sakto sa bonding ng pamilya man o ng magkakaibigan
  • Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, binalikan ng maraming social media users ang unforgettable moments nila gamit ang family computer

Nakapaglaro ka rin ba ng classic na family computer?

Image capture from Facebook

Bago pa man nauso ang iba’t ibang moderno laro ng mga kabataan, nauna na silang pinasaya ng classic na family computer. Maraming pagpipilian, saktong-sakto para sa bonding ng pamilya man o ng magkakaibigan. Sa dami ng alaalang nabuo dahil sa laruang ito, hindi nakapagtataka na hanggang ngayon ay nakatatak pa rin ito sa mga tao.

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon., binalikan ng maraming social media users ang unforgettable moments nila gamit ang family computer; sarili man nila o hindi.

“In the 80s, it was the year when family computer became the most favorite game machine, surpassing rival Atari also of Japan,” pagbabalik-tanaw ng Facebook user na si Armingol Lontoc.

“Magdamag kaming magbabarkada sa paglalaro ng family computer,” pagbabahagi ni Joe Mcgyver Garcia.

“It was 1995 when my dad purchased this family computer. It cost around P1,200 that time. ‘Di pa kasama ‘yong bala. We end up buying 2-in-1 cartridge. Mahal kasi. Nasa P500 to P800 ang isa,” kuwento ni Leonilo Bolano, na ibinahagi rin na ang kanyang mga unang laro ay Billiards at 1944.

Image capture from Facebook

May mga nagpasalamat din sa mga kamag-anak o kaibigan na nagyayaya sa kanila o pinasasali sila sa paglalaro nito dahil naging mas makulay daw ang kanilang kabataan. Paano ay isa ito sa mga pinakamodernong laruan noong panahong iyon.

Ikaw, nagkaroon ka rin ba ng family computer? Ano ang hindi mo makalilimutan tungkol dito?