GrabFood delivery man na bisikleta ang gamit, nakatanggap ng papuri mula sa netizens

  • Isang grupo ng umorder ng pagkain ang nakapansin na mababa ang rating ng isang GrabFood delivery man
  • Ito ay dahil sa matagal na pagde-deliver nito sapagkat imbes na motorsiklo ay bisikleta ang kanyang gamit
  • Mababa man ang rating na ibinigay ng ibang customers ay aprubado naman ang delivery man sa puso ng mga netizens

Sa mabilis na paglipas ng panahon, kasabay din nito ang kaliwa’t-kanang pag-usbong ng mga teknolohiya at iba’t-ibang mga paraan na naghahatid ng matinding kaginhawaan sa ating pang araw-araw na pamumuhay.

Imahe mula sa GrabFood PH

Sa halip na tayo ay nagpupunta pa sa mga malls, nandyan ang mga online shopping apps na usung-uso; hindi lamang sa mga kabataan kundi pati rin na sa mga nakatatanda. Kung nais naman na magpunta sa isang lugar at kailangang makatipid ng pamasahe, nariyan ang mga ride-sharing apps.

At syempre pa, dahil na rin sa pagkakakilanlan nating mga Pinoy sa pagiging mahilig sa pagkain, hindi na katakataka ang mataas na pagtangkilik natin sa mga online food delivery apps gaya ng GrabFood at Foodpanda.

Kaakibat ng convenience na hatid ng mga online service delivery applications ay ang mataas din na expectation ng mga tumatangkilik sa mga ito. At sa mga pagkakataon na hindi natutupad ang ating inaasahan gaya ng maling natanggap na serbisyo o ‘di naman kaya ay na-late na pagdating ng orders, nariyan ang application ratings upang ipahayag ang ating mga puna.

Subalit may mga pagkakataon kaya na tayo ay nagbibigay ng tama at angkop na rating sa ating mga natatanggap na serbisyo?

Imahe mula sa Facebook | Visor

Isang halimbawa nito ay ang trending post sa Facebook ng automotive news website na Visor. Sa nasabing post ay kanilang inilahad ang isang karanasan sa pag-o-order sa GrabFood app kung saan ay napansin nila ang 3.83 rating ng delivery man na si “Kuya Reymond”.

Ayon sa kanila, una ay naging concerned sila sa mababang average rating nito dahil ang karaniwang satisfaction rating na kanilang nakikita ay 4.5 pataas. Bunga nito ay naisipan pa nila na ikansela ang order dahil sa maaaring hindi maayos na serbisyo. Ngunit nang dumating ang kanilang order ay napansin nila na imbes na motorsiklo, ang gamit nito ay bisikleta.

Doon nila napagtanto ang dahilan ng mababang ratings mula sa mga dating customers. Ngunit taliwas naman ang kanilang naramdaman sa nasabing delivery man lalo na nang magpakita ito ng kababaang-loob dahil alam niyang na-late siya ng dating.

Imahe mula sa Facebook | Visor

Dahil dito ay binigyan nila ng 5-star rating ang delivery man at nanawagan sa social media na bigyan siya ng pagkakataon sa tuwing nahuhuli ang pagdating ng kanilang mga orders mula sa kanya.

“Please cut this man some slack on the off chance he delivers your food. Lumalaban nang parehas ‘yung tao. And he’s not harming the environment while doing so.”

Hindi lamang sa mga customers na ito nakatanggap ng mataas na rating si Kuya Reymond kundi pati na sa mga netizens.

“He is saving us from pollution people! He also values his health. I’d give him 10 if there was an option.”

“More bike lane please! Mas maraming magkakaroon ng chance magkatrabaho, plus less pollution. It’s a win win situation for everyone.”

Sources: Facebook GrabFood


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: