Childhood memories: Kending kambal ang laman, dobleng saya ang dala

Image capture from Facebook
  • Kasama sa mga simpleng bagay na nagpapasaya sa mga batang 90s ay ang mga pagkakataon na nakakakuha sila ng “kambal na kendi”
  • Sa Facebook page na Batang 90s, binalikan ng marami ang mga alaalang kakabit ng noon ay tinatawag nilang “suwerte”
  • Para sa kanila, daig pa ang nanalo sa Lotto sa mga ganitong pagkakataon

Natatandaan mo pa ba ang mga panahong simple lamang ang lahat? Iyong tipong masaya ka na kaagad kapag nakita mo na doble ang laman ng kending iyong binili sa tindahan?

Image capture from Facebook

Kasama sa mga simpleng bagay na nagpapasaya sa mga batang 90s ay ang mga pagkakataon na nakakakuha sila ng “kambal na kendi”. Sa Facebook page na Batang 90s, binalikan ng marami ang mga alaalang kakabit ng noon ay tinatawag nilang “suwerte”. Para sa kanila, daig pa ang nanalo sa Lotto sa tuwing makakabili nito.

“Jackpot!” wika ng Facebook user na si Chinchin Herrera.

“Tapos sasabihing twins magiging anak mo. Hahahahaha!” pagbabalik-tanaw ni Lumbreras Debbie Ruth.

“Worth it piso noon! ‘Pag dalawa ang laman sa loob, ang saya natin noon hahahaha!” pag-aalaala ni Wobbly Jobbly.

Ang iba naman ay nagpahayag ng kalungkutan sa mga kending walang laman na nabibili nila sa tindahan. Wika nila, kung anong suwerte ng iba ay siya namang kamalasan nila. Napahugot tuloy ang netizen na si Ja EL, “Nagiging masaya ka na nakakakuha ka ng dalawa, pero hindi mo naisip ‘yong isang plastic na walang laman. Ang sakit kaya ng mawalan.”

Ngunit wika nga ni Zirec Zurc kalakip ang isang smiley, “‘Matik na yata ‘yan sa candy. May dalawa ‘yong laman at mayro’n din namang walang laman.” Hindi ba’t madalas nating sabihin na “ganiyan lang talaga ang buhay“?

Image capture from Facebook

Pagbabahagi naman ng iba, kapag dalawa ang laman ng kendi ay doble rin daw ang bayad na hinihingi sa kanila ng ibang tindahan.