Bela on ‘Mañanita’: I would be sad 10 years from now kung hindi ko nagawa ito

Image via Cha Echaluce and Mañanita's poster
  • Isang kakaibang Bela Padilla ang mapapanood sa “Mañanita”, kung saan gaganap siya bilang ex-military sniper na may papasuking kakaibang trabaho
  • Kilala si Bela sa kanyang roles sa romantic films, kabilang ang hit movie na “100 Tula Para Kay Stella”
  • Aniya, ikalulungkot niya 10 taon mula ngayon kung ‘di niya nagawa ang “Mañanita”

Kapag sinabing “Bela Padilla”, hindi maaaring hindi mo maalala si Stella, si Celeste, at iba pang mga karakter na ginampanan niya sa mga hit romantic movies.

Image via Cha Echaluce

Tumatak na sa publiko ang mga pagganap ni Bela bilang leading lady — kaya naman tiyak na magugulat ang kanyang mga tagahanga kapag napanood nila ang ayos at ang papel na gagampanan ng aktres sa kanyang upcoming film na “Mañanita”; kung saan gaganap siya bilang ex-military sniper na may papasuking kakaibang trabaho.

Bagama’t aminado na hindi naging madali sa kanyang gawin ang pelikula, napaka-rewarding daw para kay Bela ng proyektong ito.

“I would be sad 10 years from now kung hindi ko nagawa ito ta’s napanood ko, ta’s naisip ko, ‘Sana ako na lang iyon,'” saad ni Bela sa press conference ng kanyang pelikula.

At nagbunga naman ang lahat ng mga sakripisy0 niya dahil napili ang “Mañanita” bilang isa sa mga finalist ng prestihiyosong 32nd Tokyo International Film Festival. Sa walong Filipino film na napili para sa nasabing festival, ito lamang ang napili para sa main competition. Nagustuhan din ito ng mga audience sa festival kaya naman kaabang-abang ang pagpapalabas nito sa bansa simula December 4.

Image via Cha Echaluce

Samantala, bukod sa “Mañanita” ay marami pang ibang proyekto si Bela, kabilang na ang Filipino remake ng well-loved Korean film na “Miracle in Cell No. 7”. Ang tanong tuloy sa kanya sa ginanap na press conference, hindi ba niya napababayaan ang kanyang personal na buhay sa dami ng ginagawa niya?

“Ginawa ko na ‘pong buhay ‘to,” tugon niya. “May napanood po akong episode ng isang series na French, ‘yong Call My Agent!, may isang episode na sa isang araw may tatlo siyang trabaho; may shooting siya rito, may shooting siya, tapos may radio guesting. Parang ‘yong handler niya ‘yong napagod.”

“Noong dulo ng episode, sabi sa radio sa kanya, ‘Hindi ka ba nagsisisi na hindi mo muna inayos ang buhay mo, puro ka trabaho nang trabaho?’ Tapos ang ganda ng sagot niya, ‘I would regret it more if there was a story that has  to be told and I wasn’t able to tell it,'” pagpapatuloy niya.

Ganito rin daw ang nararamdaman niya sa tuwing may gagampanan siyang papel.

“I feel like that’s what I’m going through right now. I feel like these women (ang mga naging role niya sa pelikula), even if they’re fictional…they are stories that, at one point, in Philippine cinema or in Philippine television had to be told. And I’m just lucky that I’m a vessel. That’s the only purpose I serve here. I lend them my b0dy and my voice, and people relate to them,” wika ng aktres.

Sa ngayon, masayang-masaya ang aktres sa lahat ng biyayang natatanggap niya sa kanyang karera.

Narito ang official trailer ng “Mañanita”:

https://www.youtube.com/watch?v=EfiwHJsrhcc