Bea Alonzo, nagbigay ng madamdaming mensahe para sa kaarawan ni Angelica Panganiban

  • Nagbigay ng madamdaming mensahe si Bea Alonzo sa kapuwa niya artista at kaibigan na si Angelica Panganiban
  • Ang mensaheng ito ay ipinost ni Bea sa kaniyang Instagram account kasama ng litrato nilang dalawa ni Angelica
  • Magkakaroon ng pelikula ang dalawa kasama ang aktor na si Richard Gutierrez
Imahe mula kay Angelica Panganiban via Instagram

Nakaugalian na ng mga celebrities ang pagpo-post ng mga mensahe kasabay ng litrato upang makita ito ng kanilang mga fans sa kanilang mga official social media accounts.

Hilig din ng mga celebrities ang pagbati sa mga kapwa celebrities tuwing kaarawan ng mga ito. Kaya naman nalalaman ng fans kung sino-sinong celebrities ang magkakaibigan.

Tulad na lamang ng Kapamilya actresses na sina Bea Alonzo at Angelica Panganiban. Kamakailan ay nagdiwang ang huli ng kaniyang kaarawan at siya ay binati ni Bea sa pamamagitan ng pagpost ng kanilang litrato sa Instagram stories kalakip ang maikli ngunit madamdaming mensahe.

Imahe mula kay Angelica Panganiban via Instagram

Ang litrato nina Angelica at Bea ay nilagyan ng huli ng mensaheng: May you never lose that fire in you. Your free spirit lights up the room and your good soul warms so many hearts. You are amazing, mami! Love you!

Ang mensahe ni Bea kay Angelica na nagdiwang ng kaniyang ika-33 na kaarawan ay dinagdagan pa niya ng: P.S. I will always be your fan, pero please, wag mo naman masyadong galingan, nasstress nako eh!

Ang huling mensaheng ito ni Bea ay patungkol sa kanilang ginawang bagong pelikula na “Unbreakable” kasama ang aktor na si Richard Gutierrez.

Imahe mula Instagram

Ang pelikulang ito nina Bea at Angelica ay mistulang reunion ng dalawang aktres na huling nagkasama sa teleseryeng “Maging Sino Ka Man” noong 2006 sa ABS-CBN.

Tungkol ang pelikulang “Unbreakable” sa dalawang magkaibigan na nangakong walang lalaking hahadlang at sisira sa kanilang pagkakaibigan. Ngunit pagkatapos ng ilang taon, ang pangakong ito ay nasira.

Hindi lang sa pelikula kundi maski sa totoong buhay ay matalik na magkaibigan ang dalawa. Noong nakaraang kaarawan din ni Bea ay nag-post at nagbigay ng mensahe si Angelica sa kaniya ring IG account.

Panoorin ang trailer ng Unbreakable dito:

Sources: Instagram, Instagram


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: